It’s been months since our fourth year as law students started. Sobrang dami na naming gagawin at sobrang kailangan na naming mag double work hard or else, baka bumalik kami kung sakaling babagsak kami. Pang huling laban na ‘to, we should take it seriously.
Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Sol dala-dala ang inorder kong iced coffe.
“Your eyes are saying that you have a lot of unsaid thoughts. Anong iniisip mo? Mhmm?” Tanong nito nang maka-upo ito.
Ngumiti naman ako to assure her that nothing is wrong. Wala naman akong ibang iniisip at pinoproblema tanging ang acads lang muna. But, my unsaid thoughts were added when she opened something serious.
“Ilang years na kayo ni Kade mag ka-date?” Napalingon ako sa kaniya sa tanong nito.
Bigla ko namang naisip na matagal na rin kaming mag ka-date. That was the last semester of our first year. Ngayon, first semester na ng fourth year.
“2 years plus months. Malapit na maging three years. Why did you ask?” Tanong ko.
“Ayoko naman kayong pangunahan bebe, kasi relationship ninyo ‘yan. Pero, ni minsan ba hindi ninyo pinag-usapan ang mag ka-label?” Dahil sa tanong nito, bigla akong napa-isip.
Oo nga pala. It’s been years since we started dating and we have no label pa rin. Hindi naman talaga ‘yon big deal for me, but the thought inside my brain that “he isn’t fully mine yet” dahil wala namang kami. Yes, we are dating pero hindi ko alam kong nanliligaw ba siya. Yes, kilala na namin ang family ng isa’t isa, pero walang nangyaring naging mag ka-official kami.
Inisip ko naman ang tanong ni Sol na napag-usapan na ba namin ito? And then I remembered one time when we were dating near the sea— First sem noong second year namin…
“If someone will ask us what are we? Anong isasagot mo?” Tanong ko kay Kade.
Hindi ko alam, bigla ko lang talagang na-isip na itanong ‘yon. Wala pa kasing nangyaring “official” sa pagitan namin.
“You are my girl.” Ito lamang ang tanging sinagot nito.
I did not bother to ask him more kasi hindi naman talaga big deal for me kung walang magaganap na pagiging official sa relationship namin, as long as healthy kaming dalawa.
“For me lang bebe ha, alam mo, kaibigan ko si Kade pero hindi eh. Pakiramdam ko, kahit pa na para sa kaniya you are his girl, and para rin sa kaniya you can claim him as your man— dapat may label kayo. Let’s just say sa nangyayari between him and Kimura na pag-iinitan para sa’yo, kahit anong laban niya, may ma-ipaglalaban rin si Kimura na maaagaw ka pa kasi walang silbi ang “sa’yo ako at akin ka” if you two aren’t official yet.” Saad nito.
Pumasok talaga sa isip ko ang sinabi nito at sobrang natamaan ako. Healthy naman kami ni Kade, pero ngayon parang nakakaramdam ako ng kirot sa puso. Bakit nga ba hindi niya minsan inopen ang word na magka-label kami? Nag-aantay ba siya ng right time? Ngayon… Maraming tanong na ang bumabagabag sa isip ko.
We had kissed and did more than that, but we are not official yet. Sobrang mali… I don’t wanna regret everyhing that we did together, kahit iyong simple things. Pero ngayon, pakiramdam ko hindi na tama— medyo matagal na kami, pero walang label sa pagitan namin.
“H-Hey beb… I’m sorry… Nag-aalala lang ako sainyo. Please, I hope you will not get me wrong. Ayokong masira kayo ni Kade syempre, pero kasi, alam ko na na-aapektohan talaga siya sa pinanggagawa ni Kimura, and in order para mas malaki ang laban niya, dapat sigurado talagang may label kayong dalawa. Ayokong pangunahan si Kade but your relationship is unsure. Ano nga ba kayo?” Saad nito.
Totoo naman si Sol. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. I know she is saying this because she cared for us… Ngayon, napapatanong na rin talaga ako kung ano nga ba kami?
“It’s okay, bebe ko. I understand where you are coming. Maskin ako ngayon, napapa-isip na rin ako kung ano nga ba kami? Saan kami patungo? Siguro hindi lang namin minamadali? Or, hindi siya nag mamadali? Kasi papayag naman ako… Mahal ko na siya eh…” Sagot ko.
It saddened me that now I am feeling unsure of us. Yes, punong-puno ako from him sa lahat ng love languages, punong-puno rin ako ng assurance from him. Pero, ang assurance na akin talaga siya? Hindi eh… Kasi, kahit saan tignan wala pa ring kami. We are dating but we are not official yet.
After my conversation with Soleia sa coffee shop ay bumalik na kami sa school. Pagka-pasok ko sa classroom ay hindi ko namalayang nahulog ko pala ang isa kong blue ballpen na may initial ko sa may gate kung hindi ako hinabol ni Kimura.
“Hey! You dropped this…” Saad nito sabay hawak sa batok niya. Para bang nahihiya saakin.
“Oh gosh! I’m sorry. This is my favorite ballpen pa naman—” Hindi na nito pinatapos ang sagot ko, at dinugtungan niya ang sinabi ko.
“I know. I also noticed you with that ballpen. ‘Tsaka, may initial mo rin. Cute…” Hindi ako kinilig sa sinabi nito but he gave me weird feeling. Iyong tipong “huh??” Why the hell are you complementing me?!
“Ah. Thank you,” Before I continued I looked at his ID. Zeu Elizalde Kimura para ang buong pangalan niya. Nasanay kasi ang lahat na tawagin siya using his surname. “zeu.” I continued stating his first name.
Ngumiti naman ito and he was about to pat my head, pero iiwas rin naman ako kasi kahit wala kaming label ni Kade, I respect our relationship. Pero speaking of him, hindi ito natuloy dahil dumating siya at binangga ang likod ni Kimura.
“What the hell is wrong with you, dude?!” Zeu exclaimed.
And knowing Kade, hindi ito magpapatalo. Alam kong galit ito kay Zeu.
“Obviously, you! Bakit ka ba lapit ng lapit kay Adira? Hindi ba talaga malinaw sa’yo ang boys code?!” Galit na sagot nito. Medyo, napaatras nga ako dahil nanlilisik talaga ang mata niyang nakatingin kay Zeu.
Zeu was about to answer nang pigilan ko ito para na rin matigil, at baka maging worst pa ang mangyari.
“He just returned my ballpen. Nahulog ko kasi ito sa may gate, hindi ko namalayan. He did not do anything. I swear, nag thank you lang ako.” I said trying to calm Kade at hinawakan ko rin ang kamay niya.
Luckily, natigil naman at umupo na kami dahil dumating na rin ang Professor namin.
Pagkatapos ng klase ay walang imik si Kade habang nasa loob kami ng sasakyan at hindi rin niya ito pina-andar that’s why I asked him.
“What’s wrong?” I asked using my soft voice. Alam ko kasing something is wrong, at hindi magandang mag-uusap kayo kapag may problema gamit ang hindi magandang tono ng boses.
“I’m jealous, babe.” He said full of honesty. I softly chuckled and held his cheeks to face me.
“Bakit ka naman mag seselos? Sa’yo naman ako.” I answered him.
He shakes his head as a symbolism that he is saying like a “no”.
“Tama kasi siya…” Mahinang sambit nito.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
“He is right. Maaagaw ka pa niya kasi wala tayong label. We are not official yet, aware ako do’n pero wala akong ginawa dati habang maaga pa.” Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam din ako ng konting kirot— upon remembering my conversation with Soleia earlier.
We are not official, so walang silbi ang sa’yo ako at akin ka, dahil kahit saang banda tignan, walang kami. We are dating but we are not officially each other’s other half— like an official partner… At iyon ang kulang…
---
enjoy reading!A/N: what will happen next kaya?🤔 magkakaroon na kaya sila ng label?
ABANGAN...😉😉 ANW, HAPPY 1.08K READS AND 90 VOTES, SAATIN!💞⚖️
@dfndrsun
YOU ARE READING
Love At First Argument (Law student series#1)
Narrativa generaleAdira Del Moore is an only daughter, she always graduates with flying colors ever since she was elementary up until college. She was the suma cum laude in their batch. She's a CPA, one of the top notchers. That is why she doesn't allow anyone to get...