WARNING:🔞
This chapter contains mature scene
A/N: if you don't like rated spg scene, you can skip this chapter.
***My kuya Austin was right. Do not pressure yourself, if you feel like your brain is tired already, take a rest. And because I did what he told me, I was able to stay in the rank I was aiming for ever since day one.
Tie pa rin kami ni Kade last third year’s first semester, at tie din kami sa rank ngayong katapusan nang second semester. We are still in rank one.
“Since vacation na naman tomorrow, and as a celebration, why not let’s have a celebration party?” Soleia suggested.
At syempre, gusto rin namang mag pahinga at mag enjoy ng mga classmates namin kahit ngayon lang, they agreed.
Lumaki naman ang ngiti ni Sol at tumingin kay Kade dahilan para tumaas ang kilay nito. “What’s that smile? You look creepy.” Malditong wika nito.
Tumawa naman ako sa pag-mamaldito niya kay Soleia.
“Sa vacation house niyo malapit sa dagat. Sige na! Pumayag ka na, nako! Sasama pa naman si Adira. Hahayaan mo bang sa ibang lugar mag party ang baby mo? Ah wal—” Hindi na siya pinatapos ni Kade at pumayag na ito sa request ni Soleia.
Naghiyawan naman ang lahat nang pumayag si Kade at muling nag salita si Sol. “Alright. Dahil fix na ang venue, nag order na ako ng foods, don’t worry about the drinks dahil on the house ‘yon ni Kade. Ngayon, mag aambagan nalang tayo sa catering ng food.” Anunsyo nito sa aming lahat.
Sumunod naman kami sa sinabi nito. And she announced again. “Btw, diretso na tayo sa venue dahil on delivery na ang lahat, hindi na tayo mag dedesign, maganda naman do’n. Ang mahalaga, ay ang mag—” Ang huling salita niya ay dinugtungan naman ng lahat. “Party!”
Isang oras din pala ang byahe papunta sa vacation house nila Kade. Pagkapasok ko sa loob, my breathing stopped for a second. Sobrang ganda, sobrang breath-taking ng scenery, lalo na at kitang kita ang dagat.
“Matagal na ba ‘to?” Tanong ko kay Kade while we are walking inside the house.
Tumango naman ito saakin. “Mga 7 years na rin.” Sagot nito.
“Wow! I’m so impressed, sobrang well-maintained ang kagandahan ng paligid eh.” Nakangiting wika ko sa kaniya.
“Si mom lahat nag organize ng pag m-maintain sa paligid. Wala naman kasi akong kapatid na babae.” Ay oo, ‘yung bunsong kapatid niya lang na lalaki ang tanging kapatid niya.
“Mhmm. I’ll show you around?” Nakangiting tanong nito at tinuro ang loob ng bahay.
Ngumiti naman ako at tumango. Then, napadpad kami sa isang room. Nasa ikatlong palapag, at pinaka-last.
Pag bukas niya sa pintuan ng kwarto, ay sobrang nagandahan ako sa laki. May sariling mini kitchen, may sariling paliguan, at iba pa iyong CR talaga. Kapag naman ay titingin ka sa bintana, kitang kita mo ang view ng dagat at ulap. Sobrang ganda panoorin ng sunset at sunrise dito. Maging ang buwan at mga bituin.
Then, I roamed my eyes around the room. I noticed its the manly design. That’s why I asked my man. “Is this your room?”
His nod answered my question. Halata naman kasi, kaya ko siya tinanong. Na-feel ko lang, the way he moved inside the room. At may study table rin na may mga naka-patong na law books.
I was about to ask him a question again nang lumapit ito saakin and he grabbed my waist. I noticed how his eyes stared at my lips.
Minutes didn’t pass yet when he claimed my lips.
YOU ARE READING
Love At First Argument (Law student series#1)
General FictionAdira Del Moore is an only daughter, she always graduates with flying colors ever since she was elementary up until college. She was the suma cum laude in their batch. She's a CPA, one of the top notchers. That is why she doesn't allow anyone to get...