CHAPTER 36

43 3 2
                                    

Sobrang bilis ng mga araw. Parang kahapon lang nag exam kami for the first semester as 4th year students, ngayon patapos na kami sa second semester.

Nandito ako ngayon sa hapag kasama ang family ko. Inuwian ako ni Mama at Papa kasi syempre, they can’t miss my graduation.

“Malapit na tayong may attorney.” Nakangiting open ni mama ng topic while we are eating.

Ngumiti naman ako sa kaniya at nag patuloy sa pagkain.

“Kahit hindi pa ‘yan nakaka-gradudate, she’s already our attorney.” Papa also said.

I really appreciate my family for being my “always” support system, since day one. They never failed to make me feel that I am seen, always.

“Nga pala mang, si abuelo pupunta ba?” Kuya Aust asked.

Wala na ang lolo ko sa side ni mama, si abuelo nalang, ang lolo ko sa side ni papa.

“Of course, he will. He never missed any recognition, completion, and graduation of Adira. Kilala mo ‘yon, Adira’s her princess.” Sagot ni papa.

Natawa naman si Kuya. “Oo, at sa sobrang spoiled niya diyan, nagagalit na ang ibang anak ng mga kapatid mo.”

Oh right, totoo ang sinabi ni kuya. Naiinis saakin ang ibang anak ng mga kapatid ni papa, dahil raw favoritism si Abuelo. Kesyo daw, ako yung matalino, maganda, matangkad, nasa akin na daw ang lahat kaya ako paborito. Hindi naman ‘yon totoo, I have seen how my Abuelo is treating us fairly. There’s this one time, na family reunion namin—

Today is Abuelo’s birthday, kaya’t ngayon ay nag tipon-tipon kami sa kaniyang mansion. Nandito rin si Abuela, at nakayakap ako sa kaniya ngayon.

Kitang-kita ko naman ang pagguhit ng inis sa mga mata ni Amber when she saw me with my Abuela. Lagi na ‘yan siyang ganyan, she hates it when I am near with my Abuela and Abuelo. I don’t know what’s with her.

At tama nga ako, lumapit ito saamin ay nagpakandong kay Abuela.

“Lala, ako naman.” Pag papababy nito. Umalis naman ako at hinayaan siya kay Abuela.

Hindi naman ako galit sa kaniya, pero I just wanna give her time with our Abuela. Hindi lang naman ako ang apo eh.

“Oh, bakit ka aalis?” Tanong nito pagkatalikod ko. I slightly raised my left eyebrow. Ano ba talaga ang problema niya saakin?! Hindi ako nagagalit, pero kinukuha niya na ang inis ko.

“At bakit big deal sa’yo pag aalis ako?!” May diin kong tanong. He chuckled like an evil and rolled her eyes.

“Oh c’mon Adie! I know you hate it when I am near our Abuela and Abuelo because you only want them yourself! Porket ikaw lahat ang bida, kasi bida—” She wasn’t able to finish her words ng ibaba siya ni Abuela at hinarap.

Lumapit na rin sila Abuelo at ang iba pa naming family.

“Amber! That’s enough! Walang ginagawa si Adie sa’yo, bakit ka ba nagagalit?” Abuela said.

Instead of answering, she burst into tears kaya’t naalarma si tita Amanda. Her mother.

“Bakit si Amber lang ang papagalitan mo?! Baka iyang magaling mong apo ang nauna!” Sumbat pa ni tita Amanda.

Doon na sumagot si Abuelo. “We clearly saw it! Paalis na si Adie ng pagsalitaan siya ng kung ano-ano ni Amber. Dinidisiplina mo ba ‘yang anak mo Amanda?!” Galit na wika ni Abuelo making tita Amanda raised his madness into 100 percent.

“Aba! So ako pa ngayon ang mali?! At kinukwestyon ninyo how I raised my daughter?! Eh bakit hindi iyang magaling mong panganay ang tanungin mo?! Kung bakit pinalaki niyang bida-bid—” He was referring to dad. But she wasn’t able to finish her words because dad cut her off.

“Enough Amanda! Alam kong naiinis ka saakin simula pa dati. Hindi naman ako nagkulang sa pag reach out sa’yo ah? At naging maayos naman tayo. Bakit kana naman nagkakaganito?! Dahil lang sa away ng mga bata?” Papa said. Hindi sumisigaw si papa. In fact, he was trying to calm his voice.

“Really?! You are asking me why I am being like this again?! Ask your daughter! Simula noong pinanganak na siya, Amber’s always left behind. Amber became only her shadow. Sa tuwing may achievements si Amber— dad would congratulate in follow with these words ‘pareho talaga kayong mga apo ko. Magagaling at matatalino, lalo na si Adie. Running for valedictorian.’ So ano sa palagay mo hindi ako masasaktan?! May achievements nga si Amber, na congrats nga, pero ibibida palagi iyang unica hija mo!” Galit na galit na sumbat ni tita.

I have heard enough proof that she hates me so much. Kumapit naman sa braso ko si Jesh. My closest cousin. Hindi siya kailan man nagalit saakin, unlike Amber. Nagagalit saakin without any reasons. Or should I say, mga rason na hindi ko alam, bakit niya bini-bigdeal.

Napabalik ako sa realidad ng tapikin ni mama ang kamay ko. “Hey nak?? Hutda nana imong pagkaon.” (Hey nak?? Ubusin mo na iyang pagkain mo.)

Ngumiti naman ako at tumango. Simula noong nangyari ang sagutan na ‘yon sa birthday ni Abuelo, hindi na kailan man si tita Amanda nag pakita pati si Amber. But, I heard Amber’s a flight attendant now, and at the same time, a model. At maayos naman ang buhay nila, may sariling company ang dad ni Amber dati pa.

Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako para pumunta ng school. Pero, mamaya pa ang class namin kaya mag papa-drop lang ako kay kuya sa favorite coffee shop namin ni Kade. May study together daw kami eh.

I asked for space, but here we are being close towards each other again. Pero hindi naman kami sobrang sweet like before, parang friends lang na medyo more than friends. Hayst, ang hirap pag walang label eh.

Pagkarating ko sa coffee shop ay pumasok agad ako, medyo mainit na rin kasi. Pagkapasok ko naman ay natanaw ko si Kade sa favorite spot namin talking to a girl that seems familiar to me.

Nang makalapit na ako ay hindi nga ako nag kamali. She was familiar because she is my cousin. A-Amber…

“A-Adie??” Gulat na saad nito ng makita niya ako.

“Magkakilala kayo?” Gulat ring tanong ni Kade. Pero ang mas tanong dito. How did they met each other? U-uh fishy, huh???

“We are cousins.” Maikli at sabay naming sagot ni Amber. Ngumiti naman si Kade. What??! Don’t tell me close talaga sila ni Amber?!!

“Oh… I wasn’t expecting that. Btw baby, Amber is my long time friend. Noong nag bakasyon kami sa US ay nakilala ko siya. 15 pa kami no—” Hindi pa siya tapos ay tinaasan ko na siya ng kilay at sumagot ako.

“So what if you were best friends?! I’m not here to hear from you the history of your friendships. Now? If you have nothing to say— then, I’ll better leave.” I know Kade won’t cheat, I am not mad at Amber too, after all matagal na ‘yon. Nahihiya lang ako kasi matagal na din kaming hindi nagkita. Pero bakit ako naiinis?!! Am I jealous?!

---
enjoy reading!:)

A/N: hi babies! i just wanna extend my greatest appreciation sainyong lahat, na kahit hindi ako consistent everyday nag u-update, may nag a-add to lib (their reading list) pa rin sa LAFA, and the reads are moving. hindi ko man kayo ma-isa², pero gusto kong sabihin na mahal ko kayong lahat, sobra.💙

@dfndrsun

Love At First Argument (Law student series#1)Where stories live. Discover now