CHAPTER 25

32 2 0
                                    

We are now in presenting our witness and evidence in our side na dahil tapos na sila. Also, na-add na ang points saamin kanina sa cross-examination ko dahil on-act lang naman ‘yong mga witnesses. At dahil rin walang maitulong ang prosecuting side para maisagot sa tanong ko.

Kade stood up to read what we wrote on our folder. Yes, kami mismo ang nag sulat ng introduction sa presentation ng aming side about sa witness and evidence. Of course, using the given case and evidence we could use.

“After the investigation, Aleinad was suspected that she is the criminal because of the dry little blood on her hand. However, there is no statement there that the dry blood was proven to be the victim’s blood. Moreover, Aleinad is also accused because of their closeness and what happened during that night, but without any evidence being shown. Therefore; It could fall under the Article 180 of The Revised Penal Code; provided that, Article 180. False Testimony Against a Defendant. In addition, we have a witness here who is one of their friend and on Aleinad’s side, and who will state what happened during that night.” I was silently screaming inside because of Kade. Ang galing niya. I’m so proud of him.

Ngumiti naman ito sa akin, kaya’t nginitian ko rin siya pabalik at tumango ako sa kaniya a sign that he did a good job.

Pumasok naman ang on-act as Mikah. And after she stated the oath. Umupo na ito at nagsimula sa kaniyang statement.

“Nang gabing iyon, totoo talagang nag inoman kami at magkatabi si Aleinad at Jesseylinn. Ngunit, alam naman naming apat na close talaga silang dalawa. Pero, noong nasa kusina kami at pumasok silang dalawa sa cr, hanggang sa pagbalik naaalala ko paring ayos naman silang dalawa. In fact, Alei helped Jess dahil siya ang na-grabehan sa pagkalasing. There is also a reason why we have decided to drink. Dahil may problema si Jess sa boyfriend niya. At ‘yon, pagkalabas namin sa kitchen we have decided to sleep. Pero hindi pa rin mapakali si Jess kaya kinuhanan siya ng mainit na tubig ni Alei sa kitchen. Pagkalabas nito galing kusina habang dala ang baso, nag dala rin ito ng isang alcohol because she accidentally sliced her hand a bit noong inaabot niya ang baso sa taas at may naka lagay pala na blade sa gilid. That is why her hand has a little dry blood. Nilagyan niya lang kasi ng alcohol, hindi niya pinunasan para na rin raw hayaang mag dry ang alcohol sa kamay niya. Pagkatapos naming mapa-inom si Jess ng mainit na tubig ay natulog na kami, but sa bandang alas 12:00 nang gabi, nakita kong pumunta ng kitchen si Jess at may kausap sa phone. And I overheard them fighting, it was her boyfriend kasi umihi rin ako, hindi naman ako nag atubling lapitan siya dahil ayokong mang-invade ng privacy nila.” After the witness statement, I smirked. Totoo naman, hindi talaga sinabi na ang dry blood ay kay Jess. Probability lang ‘yon. Pinag-usapan din namin ang about sa statement na ‘yon. If you are a future lawyer, or especially a licensed attorney, prosecutor, and judge matic alam mo na ang mga ganyan. Crime isn’t a crime without a mystery on it. And a case isn’t just a case. Sa bawat kataga na naroroon sa statement ay maaaring maging rason na pwedemg konektado sa sagot.

Pagkatapos ng witness statement. Time na ni Kade for the question and answer with our witness. Tapos, cross-examine naman sa prosecuting side pag-natapos na si Kade.

“Yes or No. Kagaya ba si Jess sa mga babaeng sinasaktan ang sarili nila kahit kasalanan naman ng boyfriend nila? O dahil pinaiyak na naman sila?” Tanong ng gwapo kong Kade.

Napangisi naman ako habang pinapanood siya. Ang cool niyang tignan. Ang angas angas, idagdag mo na ang matangkad na height nito at napakagwapong mukha.

“Yes.” Diretsong sagot ng witness.

Kade smirked the get one of the folders on the table beside our chairs. ‘Yon ang sinasabi ng attorney kanina na evidence we could use. If hindi ka magaling mag analyze, hindi mo talaga masasagot ang connection ng mga folder na binigay saamin.

Binigay niya ito sa assigned judge. “Your honor, inside that folder is a medical certificate of Jess that could prove that she often visit her Psychology Doctor for her therapy session.” Lalong lumaki ang mga mata ng dalawang babae from other school na nasa prosecuting side. At nagmamadali silang mag scan sa evidence folders nila.

However, because of the evidence Kade has showed. Nadagdagan ulit ang points namin. Isa nalang, at kami na ang mananalo. Pero syempre, may cross-examine pa. Time na ng prosecuting side.

One of the girls from the opposing side walked confidently towards our witness. I saw how she flipped her hair before asking the witness.

“Yes or No. Sa statement mo, parang sinasabi mo na rin na suicide ang nangyari. So, my question is para sa’yo si Jess ba ang pumatay sa kaniyang sarili?” Tanong ng babae.

Tinaas ko naman ang kilay ko at seryosong nakikinig sa mangyayari.

“Yes.” Matapang na sagot ng witness.

Suicide naman talaga, alangan naman sinong pumatay? Siya lang with her boyfriend on the phone ang nahuli ni Mikah sa kusina. And that time, Aleinad is sleeping. Idagdag pa na she’s seeing a doctor. For sure, nag-a-attempt siya noon pa.

“Yes or No. Bakit? Nakita mo na ba siya kahit isang beses na nag suicide attempt?” Parang gusto ko ng mag object pero hayaan muna, mukhang maganda pa ang patutungohan. Basta ang goal, hindi sila mag ka-points dito para panalo kami.

“Ye—” Nagtaas naman ako ng kamay pagkatapos ng witness mag sabi ng yes.

“Objection, your honor! Hindi ‘to pwedeng maidagdag ng witness.” Luckily, napayagan ako. Time kasi nila for cross-examination. Hindi ako pwedeng pumalag ng walang pahintulot.

“What else do you expect? Why should Jess continue seeing a doctor for a therapy session if she’s mentally stable?” I confidently walk towards the witness and the girl from the prosecuting side.

Wala itong nasagot sa tanong ko. I know I caught her again this time. Kahit naman pumalag siya, presented na ang evidence na medical certificate ni Jess. Hindi ‘yon basta-basta haka-haka lang.

Dahil sa nangyari, nasa amin ulit ang points kaya kami ang panalo sa round na ito. Proceed na kami sa semi-final.

Ang sarap sa tenga mapakinggan ang phrase na sinabi  ng assigned Judge na “Aleinad Hillabi is not guilty.”

Pagkalabas namin ni Kade ng room ay nagkayakapan naman kami.

“We made it!” I happily exclaimed.

“Yes. I’m so proud of us.” He said in between our hug.

At nang kumalas na kami, ay masaya kaming naglakad papunta sa chairs ng GLS. Para ibalita na panalo kami.

“What happened?” May bahid na kinakabahang tanong ni Judge.

Ngumiti naman kaming dalawa ni Kade at sabay na sinabing “We aced it!”

Sabay-sabay naman silang nag palakpakan mga taga GLS. Natutuwa talaga ako na nandito sila to support us. One of the reason why we are motivated to do well.

Lumapit naman iyong assigned Judge saamin kanina.

“You really have a bright students in your school, Judge Autida.” Pormal na sabi nito.

Ngumiti naman ang Judge at sumagot. “Hindi sa pagmamayabang, mag t-third year palang ang dalawang 'yan.” Proud na sabi ni Judge.

May mga kalaban kasi kaming graduating na, o mga mas matanda pa saamin. Katulad ng kalaban naming two girls kanina, mag 4-4th year na sila.

“I say, You have chosen the right students. Ang galing ng mga studyante mo. Ang perpekto ng combination ng dalawang 'yan.” Pa-simple naman kaming ngumiti ni Kade sa isa't isa sa sinabi nang Judge.

At bumulong ito sa tenga ko. “Told you, we are a perfect combination.” He whispered making me blushed.

---
enjoy reading!;)

A/N: hi babies, so sorry for not being able to update kahapon huhu nawala ang signal ni tntಥ⁠‿⁠ಥ. at ngayon palang bumalik, kaya agad ako nag update. hihi, sana hindi mawala mamayang gabi, para maka pag ud nanaman. 'yun lang, mahal ko kayo.(⁠。⁠・⁠ω⁠・⁠。⁠)⁠ノ⁠♡

@dfndrsun

Love At First Argument (Law student series#1)Where stories live. Discover now