Pagkatapos ng mga maraming nangyari noong bakasyon, balik na ulit ako sa buhay estudyante. Fourth year na ako ngayon— and that means, ito na talaga ang final battle ko bilang isang law student. I admit, my ride these past few years has been quite tough— the road I was driving was bumpy, but I know everything will be worth it. This is what the little girl inside me is dreaming about since I’ve learned what my ambition in life is. And that is to be an attorney.
“Are you ready for your first day in your fourth year?” Kuya Austin asked while driving. Siya kasi ang maghahatid raw saakin dahil first day ko bilang fourth year. Ewan ko ba, sabi ko nga ay huwag na, kabisado ko na namang mag commute dahil last year ko na ‘to. Also, Kade or Sol would pick me up if ever, but he kept on insisting. And when he insists, you need to accept it. Si kuya Austin ‘yan eh.
“Medyo kinakabahan ako, kuya kasi last year ko na. A negative part of my brain is asking— what if I won’t be able to graduate with flying colors? Pinagbigyan lang ako ng utak ko for three years?” Kuya Austin laughed at my answer. What the hell is wrong?
“C’mon! I told you, do not stress yourself out by overthinking things. Magiging maayos rin ang lahat. Sabayan mo lang ang magiging flow ng student life mo this year. I’m sure, you’ll survive this just like how you wanted your law student life to end.” Said him. Well, he really knows the best advice. Minsan nga ay iniisip ko bakit hindi nalang siya nag psychologist. Magaling rin naman siyang bumasa ng isip.
Ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa school. Hinalikan ko naman ang pisngi niya at bumaba sa kotse. Of course, pinagbuksan niya ako, sabi niya ay hindi lang daw boyfriend ang gumagawa ng ganyan, pati rin brother. That’s a normal act of a man. Pagbuksan ang babae sa loob ng sasakyan.
Inasar ko naman si kuya. “Oh, so marami kanang girls na nabasa dito, ano?” Sumimangot naman ito sa sinabi ko.
“Anong marami?! Hindi, statement lang ‘yon. Obvious naman na kasi dapat na pagbuksan ng mga lalaki ang babae sa loob ng sasakyan maging sino man sila.” Pag e-explain nito. Tinawanan ko nalang siya at ayaw ko ng makipagtalo dahil kailangan ko ng pumasok.
Pagkarating ko pa lang sa classroom ay maliit palang ang mga studyante. Pakiwari ko ay nasa lima palang. Pang-anim ako. Wala pa si Sol, Kade, at Jake.
Nakita ko namang nakatitig si Kimura saakin kaya’t inirapan ko ito. What’s with his stares?! Para mamang isang taon akong hindi nakita— o baka ay may dumi ako sa mukha.
Agad ko namang tinignan ang sarili ko sa salamin ngunit malinis naman ang aking mukha. That is why I decided to confront him. His stare is creeping me out.
“What the hell is wrong with my face and you keep on staring at it since the moment I walked into the classroom?!” Mag pagkainis ko na tanong. Nakakainis naman kasi, I’m feeling uncomfortable. Every time talaga na nakakapansin ako ng sobrang off na tingin ay nagiging uncomfortable ako.
“Why are you asking me what’s wrong?! Ask yourself for being too beautiful.” He answered coldly. Pero natigilan pa rin ako sa sagot nito saakin. What the hell is wrong with him?! Malakas pa talaga ang boses niya pagkasagot no’n. Though his voice was filled with coldness but since malakas pa rin ang pagkakasabi niya, napalingon ang iba ko pang kaklase na nasa classroom.
“Seriously?! That’s your answer?! Haha! Very unbelievable of you. Walang gano—” Hindi ako nito pinatapos at pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang sagot niya ulit.
“There is. May gano’n. Hindi mo lang napapansin dahil ngayon mo lang naman ako nakit—” Ang sagot niya naman ang hindi niya natapos dahil may sumingit na malditong boses. At kilala ko na agad sino ito.
“And why should Adira notice you?! Are you that important to be noticed by a precious girl?” Pagsingit ni Kade at galit na nakatingin kay Kimura.
“And why would I answer you?” Balik tanong nito kay Kade gamit ang pilosopong boses.
“Because that’s my girl. Adira’s my girl. I will protect her with an asshole that will try to pursue her without knowing their place.” Malamig na sagot nito.
“Hindi nga kayo kasal.” Sagot nito gamit ang mapang-asar na boses.
Kade was about to answer when our Professor entered the classroom. Kung kaya’t napabalik kami sa upuan namin.
“May nangyari ba habang wala pa ako?” Nakakunot noong tanong ng Professor namin.
Walang niisang sumagot saamin— until Kimura raised his hand. Seriously?! Ano ba talagang trip nito sa buhay? I mean, baka may tatanungin lang siya? Or will he spill the tea that happened earlier?! Kung gano’n, nakakainis siya.
“I have a question, Attorney.” Nagsalubong naman ang kilay ng Prof namin, pero sumagot pa rin ito.
Hindi ba siya natatakot na si Attorney Gonzales ay isa sa mga terror Professors ng GLS?!
“Sure. What is it? Make it faster, marami akong dapat i-discuss, and we have a recitation later.” Tumango naman si Kimura at tumayo.
“Despite the Law on Intellectual Property existed, ‘di ba po nangyayari pa ring maagaw ang isang bagay na pag-aari na ng iba?” Napataas naman ang kilay ko sa tanong nito, at maging si Attorney.
Napansin ko naman ang naiinis na expression sa mukha ni Kade habang nakatingin kay Kimura. Ano ba talaga ang trip niya?
“Oo, most commonly ay titulo ng mga property. Bakit mo natanong?” Saad ng aming Professor.
“Wala lang po. Paano po kung walang documents na nag papatunay na sa kaniya nga ang bagay? Malaki ba ang chance ko na makuha iyon kung alam kong ako naman ang mas deserving sa bagay na ‘yon?” Nakangiting tanong nito.
Hindi naman na weirdan ang Professor namin sa tanong nito, dahil wala naman siyang siyang alam sa mga nangyari kanina, kaya’t sinagot niya pa rin ito ng normal.
“Possible. As long as dumaan ka ng legal process.” Sagot ng Professor namin.
Kimura smirked and sat in his chair after hearing our Prof’s answer. But before that, he uttered words that are enough for me to hear. “Legal process? Mhmm… Sounds interesting.”
“I will surely kill that asshole!” Said Kade habang palabas kami ng classroom pagkatapos ng klase.
Hinagod ko naman ang likod niya para patahanin ang inis nito. “Don’t let his words bother you. Nang-iinis lang ‘yon.” Pagpapakalma ko sa kaniya.
His eyes softened at tumingin ito saakin ‘tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko. “Sorry, nakikita mo tuloy na naiinis ako. Kahit ayoko ipakita sa’yo kasi baka maging uncomfortable ka. Pero iniinis niya kasi talaga ako.” Saad nito.
I gave him an assuring smile and held his cheeks. “As I’ve said, don’t let his words bother you. It might ruin us.” Sabi ko. The more kasi na magiging affected kami sa magsusubok na sirain ang healthy relationship namin, ay baka masira lang kami.
But this man knows how to always end our conversation with my heart smiling and racing its beat. Dahil sinagot ako nito ng, “it will bother me, baby. It will always bother me when you are in the line. You are mine, and that makes you my responsibility. Kaya’t, hinding hindi ko hahayaang maagaw ka saakin.”
---
enjoy reading!A/N: hello, my dear sunnies! i just want to extend my greatest appreciation for all of you. maraming salamat sa patuloy ninyong pagsusuporta sa storyang ito.
lalo na ngayon na, 1.02k na ang LAFA. yay! Happy 1.02k reads to Adira and Kade!💝⚖️
@dfndrsun
YOU ARE READING
Love At First Argument (Law student series#1)
Ficción GeneralAdira Del Moore is an only daughter, she always graduates with flying colors ever since she was elementary up until college. She was the suma cum laude in their batch. She's a CPA, one of the top notchers. That is why she doesn't allow anyone to get...