CHAPTER 20

39 3 0
                                    

Sobrang bilis ng oras. We are now in the second quarter of our second semester as second year. Ayos lang naman ang subjects this quarter and what's more okay is I just simply enjoyed stressing out with my readings. Kidding. Ayos lang kasi may pogi akong study buddy.

Speaking of him. Kinakalabit ako nito kasi gusto niya raw na kumain sa labas after class.

“Tapos mo na ba ang reading sa isang sub natin na may recitation tomorrow?” I asked him. Umiling naman ito making me chuckle softly. Kahit naman hindi siya mag basa palagi, hindi siya madaling nakakalimot.

“Alam ko namang kabisado mo na. Tama ako noh?” Saad ko sa kaniya. He smiled cutely at me and kissed my hands. “None of the above, mas importante ka.” Tumawa naman ako sa sinabi nito.

“Nakakainis ka ah! Wala akong sinabing choices! Ikaw talaga.” He chuckled softly and answered me again with his banat moves. “Ikaw ang para saakin, talaga.” Pinalo ko siya ulit at kinurot.

“Nakakainis. Ang galing mag pakilig noh. Sus! Pag ako bumanat, tiklop ka naman.” Wika ko sa kaniya, at nginusohan lamang ako.

“Ih! Ikaw lang kasi nakaka-pag fold saakin, baby.” I forced my self not to laugh at his voice. Nag papa-baby ang isang Thaddeus Kade Lopez!

“Videohan kaya kita tapos e story ko sa ig ng malamang ng friends mo gaano ka-batak kaibigan nilang law student mag pababy saakin.” Hindi ko na ma explain ang pinanggagawa nito dahil after what I said he pouted and acted like a grumpy kid. What the hell??

“Gumaganyan ka ah! Parang hindi mo ako binangga no'ng first day.” Pang-aasar ko sa kaniya.

Nag-pout naman ito at yumakap saakin na parang bata. “Forte ko iyon para mag papansin.” Sagot nito.

“Forte mo pala, edi hindi lang ako ginawan mo ng ganon para mag papansin???” Pabiro ko siyang tinulak.

Namula naman ang mga mata nito. What??? Is he going to cry?

“Hey... Bakit parang iiyak ka?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

“Kasi... Nag-dududa ka saakin, sunod niyan iiwan mo ako. Ayoko!” Pag-rereklamo nito. Tumawa naman ako dahilan para mag-iba ang emosyon niya.

“W-Why are you laughing? Tatawanan mo ba ako pag iniwan mo ako?” H-Huh??? 'Yong totoo? Lalaki ba 'to or babae?

“Hindi! Nag bibiro lang ako. Sineseryoso mo e. Oo nga, kakain na tayo after class. Huwag na mag-tampo.” Panunuyo ko sa kaniya dahilan para mapalitan ng ngiti ang mukha nitong parang iiyak na.

Yayakapin niya sana ako ng makarinig kami ng tawa mula sa likod. Nilingon namin ito at nakita namin si Sol.

“Ganyan ka pala mag pa-baby kay Adira?” Pang-aasar nito. Tinignan ko naman ang mukha ni Kade para malaman ang reaksyon nito dahil nalaman ng kaibigan niya paano siya mag palambing saakin.

“Excuse me. I'm cool. I know wala kang nakita.” Walang emosyong wika nito kay Sol. Nag pipigil naman ako ng tawa habang pinag-mamasdan siya paano umarte sa harap ng kaibigan namin.

“Sige. Kunyare, wala akong nakita.” Saad ni Soleia habang nag pipigil ang mukha nitong tumawa.

“Stop it! Fine. J-Just don't tell Jake or any of our friends.” Wika nito kay Sol at umirap pa. Hala, ang arte. Mas slayable pa saaking umirap e noh.

“Okay, madali naman akong kausap. Pero! Sa isang kondisyon. Sasama ako mamaya sa date niyo, makiki-third wheel para maka-libre.” Sagot sakaniya ni Soleia.

Tinignan ko ulit ang reaksyon sa mukha ni Kade. I know how much he loves it when we are alone. At alam ko ring inaasar lang siya ni Sol.

“Alam ko style mo. Fine. Here's 10k, tumahimik ka ah.” Said him and handed the 10k to Soleia.

Love At First Argument (Law student series#1)Where stories live. Discover now