If someone will ask me what’s the biggest bonus of dating someone like Kade? I would answer— his understanding side. I am so proud that my man knows how to understand me. Because, despite that we became okay after our talk, I still asked him for a space.
“I’m so glad that I chose you— that I wasn’t wrong for choosing you. But, I cannot guarantee you that we’ll have the same bond as before. For a short time lang naman, I would like to ask for a space.” I said.
The space I asked is not because I don’t want him, or there is something that is forcing me to not getting back to him— but, I would like to focus on myself, and studies. Although, it’s fine to be with Kade while I focus on my studies pero nandiyan lang naman siya eh. Ang space na hinihingi ko ay, we’ll not have a loving bond for now. Though, we will still aim to finish our law school journey together— nandito lang naman kami sa likod ng isa’t isa.
“Of course, baby… I will give you the freedom that you want. I will give you space, but when you’re ready again— always remember that my arms is always open. Palagi, sa’yo.” He answered.
After our conversation, he bid a good bye and we kissed.
“I love you, see you after our law school journey.” Saad ko pagkaalis niya.
Sigurado na naman ako, babalik ako sa kaniya after we finished this final round as law students.
“Akala ko ba ayos na kayo, bakit distant pa rin kayo sa each other?” Tanong ni Soleia.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Hindi ko pa pala na k’wento anong nangyari noong nakaraang araw.
“Yes, we’re good. It’s just that—” Hindi pa nga ako tapos sumagot ay sumabat na ito. Aba, best friend nga talaga sila ni Kade.
“It’s just that what?! Nako! Nakakainis kayo, nag-aantay ako eh! Na-iimagine ko ang linyang ’magaan na ba ang iyong pag-hinga, bumalik ka na sa’kin’ umasa ako!” Pag ra-rant nito.
I laughed at her. Parang mas umaasa pa siya kaysa sa amin eh. Well, nakalimutan ko rin kasing e-k’wento sa kaniya— na ayos lang kami.
“I asked for a space, okay? But don’t worry! I swear bebe, we’re good. Nag-usap na kami, handa naman akong bumalik after this kalbaryong final eh. And, he said his arms is always open, palagi basta ako.” Saad ko at kumindat sa kaniya.
Tumili naman ito at pinalo ang braso ko. I rolled my eyes, sabi na eh. Mas mailalabas niya pa ang kilig niya kaysa sa akin. Ay, tapos na nga pala ako sa unan ko tumili.
Ilang minutong pag-uusap namin ni Soleia while we are studying for our upcoming first semester examination— biglang lumapit si Kade.
“Have you eaten?” Tanong nito nang makalapit saakin.
I raised my eyebrow and turned my gaze to Soleia who is now looking at me with a teasing expression.
“Tapos na. Bakit ka nag-tatanong?” Pagsusungit ko sa kaniya.
Pero, ngumiti lamang ito saakin at sumagot. “Not because you asked for a space, tuloyan na akong magiging nonchalant. Aba! Baka tanungin ka pa ng iba eh. Mamamatay ako kung ganon!” Pag-iinarte nito.
Tumawa naman kami ni Soleia kaya’t nakasimangot ito ngayon.
“Obviously, ang pagkain ko ay hindi business ng iba. So, just chill out. Walang mag-tatanong saakin—” Hindi pa nga ako tapos sumagot ay nagsalita na ito.
“Eh ako? I asked you now. So nag tanong pa rin! May nag tanong pa rin!” Parang batang sambit nito.
Napatawa naman kami sa sinabi niya. Sakto ring nag ring na ang bell hudyat para pumasok na sa next class, kaya’t tumayo na kami.
Nagpaalam na rin ako kay Kade na uuna na kami ni Sol, pumayag naman ito ngunit pinigilan niya muna ako.
“Pahinging kiss” saad nito dahilan para mapataas ang kilay ko. What the hell?! Really?! Dito sa maraming tao?
“Maraming tao, ano ka ba?!” Secretong sagot ko sa kaniya. Napansin ko ring napaagik-ik si Soleia.
“Isa lang naman… Sa cheeks lang” nakangiting sabi nito na para bang wala lang sa kaniya ang pinagsasabi niya.
“Hay nako! Mamaya na tayo mag-usap.” Ngiting saad ko at hinatak si Sol patungong classroom.
“Magtatampo ‘yon, for sure!” Ang sabi ni Soleia nang makaupo na kami.
“Ay hindi ‘yon. Nagbibiro lang naman ata ‘yon.” Natatawang sagot ko naman.
“Let’s just say after class. Tatawanan ko talaga kayo, for sure!” Parang nagbababalang wika nito.
Ngumiti nalang ako sa kaniya, dahil sakto ring dumating na ang Prof namin sa subject.
After the discussion ay nag announce muna si Prof “bukas ay exam na ninyo, aware naman kayo ‘di ba na walang babying sa law school? Kaya’t mag review at mag basa kayo ng maigi tonight, dapat ay handa kayo dahil pagkatapos ng sem na ito, final semester na ninyo. Doon na ang totoong laban. Malapit na kayo, kaya seryosohin ninyong mabuti.” Announcement ng Prof namin.
Tumangi naman kami sa kaniya at nag ligpit na ako ng gamit pagkalabas nito.
Tatayo na sana ako ng may kumalabit sa akin— and it was none other than Kade of course.
Akala ko ay kakausapin ako nito ngunit umirap ito saakin dahilan para mapataas ang kilay ko. “What the hell is your problem??” Tanong ko.
“You didn’t kiss me! I don’t have energy. Sad na ako.” Sabi nito at literal pa talaga na naka sad face ito.
I laughed at him pero mas lalo lang itong nag pakita ng malungkot na expression. So, I don’t have any choice but to kiss his cheeks three times. “Ayan, three kisses. I love you. Happy???” I said after kissing him.
Hindi ito agad nakasagot at namula ang buong mukha nito pati tenga, lalo na at nakakita ang mga classmates namin. “Uy! Si Lopez tiklop pala sa isang Adira eh.”
Tumikhim ito at tumingin saakin ‘tsaka hinalikan ang labi ko sa harap ng classmates namin, and after that he whispered to behind my ears. “Pina-tiklop mo ako sa harap ng marami ah. Tiklop ka saakin after this school year.”
---
enjoy reading, babies!A/N: my deepest apology sunnies for the late update, nag writer's block ako bigla while writing huhu. pero i'll assure you na hindi ko pababayaan si Kade and Adira. sobrang lapit na natin sa exciting part dahil 15 chapters nalang ang LAFA hshshs. thanks for being consistent mga mahal ko! happy 1k+ reads saatin! mahal ko kayo, sobra.💞
@dfndrsun
YOU ARE READING
Love At First Argument (Law student series#1)
General FictionAdira Del Moore is an only daughter, she always graduates with flying colors ever since she was elementary up until college. She was the suma cum laude in their batch. She's a CPA, one of the top notchers. That is why she doesn't allow anyone to get...