CHAPTER 27

46 4 2
                                    

Pagkatapos ng kaganapan sa stage ay bumaba na kaming mga taga GLS.

“This call for a celebration!” Judge Autida announced pagkababa namin.

Nag-agree naman ang lahat sa sinabi nito. At ayon sa kaniya ay bayad nadaw ang babayarin sa restaurant na kakainan namin, libre raw ni Judge Quiño dahil napa-bilib namin siya ng sobra.

Kinakabahan naman ako ng lumabas na kami ng venue dahil nasa labas ang family namin ni Kade. Of course, I’ll be able to meet his parents.

Nang makalabas na kami ay sinalubong agad kami ng parents ko at mga kuya ko.

“Congrats baby namin! At congrats anak!” Said mom as she hugged me and Kade. Ganon rin ang ginawa ni papa at nila kuya.

“We are so proud of you both.” Saad naman ni Kuya Aries saaming dalawa.

Ngumiti naman ako sa kanilang lahat, and then, a handsome old man walked towards our way together with an elegant beautiful old lady beside him.

“Governor!” Ang wika ng aking ama pagkalapit ng lalaki at nag apir sila.

Tinitigan ko naman silang dalawa at doon ko na-realized na kamukha sila ni Kade! Walang duda, this is the governor father of him!

“Amigo! Mabuti at nandito rin kayo. Marami-rami ang ating pag-uusapan mamaya. Ano?” Sagot nito saaking ama sabay tawa, at gano’n rin ang ginawa ni Papa.

Pagkalapit nang magandang babae ay lumapit ito kay mama ‘tsaka nag beso, tumango naman siya kay papa, at nag beso rin ang mga kuya ko sa kaniya.

Then, she turned her gaze towards me. “Ang ganda mo, hija.” Iyan ang sinabi nito habang nakatingin saakin at nakangiti.

Nahihiya naman akong ngumiti pabalik at nag pasalamat. Nag beso naman ito saamin ni Kade and together with Kade’s father, they congratulate us.

Napag-desisyonan naman naming umalis na at dumiretso sa venue ng celebration after the batian. Hindi ko parin akalain na makikilala ko ang parents ni Kade. And what shocked me is magkakilala sila ng parents ko.

Hindi rin naman nag tagal ay nakarating na kami sa venue. Agad namang lumaki ang mata ko ng makita kong kita ang buong dagat kapag kumakain na kayo. Tinatawag nila itong Resto de Sea.

Nasa-iisang table lamang kaming lahat, except the Professors, pero si Judge Autida nasa table kasama ng family namin ni Kade.

Kalaunan ay dumating naman si Sol at Jake ‘tsaka nag beso sa mom and dad namin. At binati rin nila sila Judge at ang mga Professors. Natawa pa nga ako nang makita kong grabe makatitig si Attorney Montero kay Sol at Jake. Nako! I smell something.

While we were eating, Kade’s mom broke the silenced. “I always wonder ever since our Thaddie was a kid kung may bata ba sa mundo, at mas mabuting babae ang magiging ka-combo niya, at mas mabuti kung maging karibal niya para naman maka-experience siya nang gano’n sa buhay. Gusto kasi naming mag sabi siya ng “Mom, dad! May batang nakatalo saakin!” Ewan, but we find it good for him. Iyong tipong ma-experience niya paano malamangan, at para matuto siya sa buhay na pwede siyang maging pangalawa, at hindi laging siya ang una. Because, I know how hard it is kapag nasanay ang anak mo na siya ang una, ang resulta he or she will be so competitive , which is, hindi na magiging healthy sa kaniya. Most of the time, the kid will be pressured kasi dapat siya ang una, dahil nasanay siya. Hindi naman sa hindi kami natutuwa pag first siya, pero noong nag second siya last semester nang first year sa law school, ay ang saya namin ng daddy niya, dahil sa wakas, hindi lang lalaki mismo ang tumalo sa kaniya, babae pa. Sobrang proud ko kay Adira that time. Lalo na sa mga report ni Sol saakin na most of the time natatalo niya sa arguments si Kade.” Natawa naman kami sa kwento ng mama niya. Kaya pala kahit competitive si Kade, hindi man lang siya, ni kahit kailan naging bitter lalo na noong ako ang rank 1 sa last semester nang first year. Kasi, napalaki siya ng maayos. And I love how her mom said the phrase “Para matuto siya sa buhay na pwede siyang maging pangalawa, at hindi laging siya ang una.” Which is tama talaga, and based on experience, it’s not always you are the one who’s on the top, because at the end of the day, someone could reached higher than you have reached. But, that doesn’t mean, talo kana. That doesn’t  mean, may mas magaling sa’yo. Magaling ka, ginawa mo ang best mo sa position kung saan nandoon ka, you should be proud of it. Kasi, ‘yung position mo may nakasunod pa sa baba mo, ganoon rin ang nasa taas mo. Nasa baba rin siya nang mas nakatataas sa kaniya. And that is why small or big achievements, it should be celebrated kahit ikaw lang, dahil what you have reached is something to be always proud of.

Sumunod naman ang dad ni Kade sa kaniyang mommy. “Tapos, noong nalaman namin na ganito ganon. Inaasar namin si Kade na baka ay ma-inlove siya riyan kay Adie. Bukod sa magandang bata, ay matalino. Kaya pa siyang talunin. Itong manok namin ag todo hindi talaga, eh crush niya pala.” He said sounding like teasing Kade. Namula naman si Kade naman ay namula.

Doon naman sumingit si Judge Autida. “Kaya siguro pinagtagpo ang dalawang ‘yan, perfect combination. Ang pride ng GLS.” Napangiti naman kami sa sinabi nito.

Kada nag-sasabi ang mga tao, or naririnig ko ang katagang perfect combination sa kanila, ay sumasaya ang loob ko. Sa ganoong paraan kasi na-fe-feel ko na bagay ako sa buhay ni Kade. Na hindi ako pwedeng mangamba.

This time, si ppa naman ang bumasag sa katahimikan. “As parents naman ni Adie, nagulat kami isang gabi tumawag ang panganay naming si Austin. Sabi ay naiinis daw si Adie dahil may tumatapak na sa boundary niya, kahit siya mismo na laging may rason at explanation, gano’n rin daw ang lalaki.” Natawa kami sa sinabi ni papa. Totoo ‘yon, that time ay first day of school, ‘yong binangga niya ako. Napapa-how dare he ako that time eh. Tinuloy naman ni papa ang kwento niya. “Tapos ayon, sabi namin. Sino ba? Natawa naman kami nang malaman na si Thaddie pala. Alam na kasi naming matalinong bata talaga si Thaddie, kapag dumadayo ako kina governor ay bubungad talaga ang lahat ng awards ni Thaddie. Sabi ko kapag nakikita ko si Thad, na may boy version ang anak naming babae.” Tumawa naman ulit kami sa sinabi ni papa.

Kilala na pala talaga nila ang family ni Thad before. How come I didn’t know?

Nang tumuntong na ang alas 9 ng gabi ay tapos na ang lahat kumain at mag-saya, nag siuwian narin ang mga Professors, at maging si Judge Autida.

Nag lakad lakad naman kami ni Kade sa may kabilang terrace na pwedeng tambayan after kumain. At kitang-kita rin ang view ng dagat.

“Kilala kana pala ni papa dati?” Basag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

“Kilala nga rin kita eh.” Lumaki naman ang mata ko sa sagot nito.

“H-How?” Utal-utal na tanong ko. Sino ba naman kasing hindi ma-utal kapag nagulat ka na ang lalaking dine-date mo ay kilala kana noon pa.

“I once came into your grandparents hacienda in bukidnon. Invited kasi kami dahil birthday raw nang Abuelo mo that time. Pagkapunta namin doon, I saw a cute little girl wearing a blue dress. Syempre, cool tayo. I was just 6 that time and I think you are five? Ang weird naman pag may crush ka sa ganoong edad diba? I don’t know, but it’s weird for me. I mean, I just saw you that time. Tapos, remember when I said that intelligence attracts me? I saw you that time reciting the periodic table of elements, hindi lang basta pangalan ng elements, kundi pati atomic mass, at atomic number.” Despite still being in shock, I smiled remembering that moment. Ginawa ko nga pala talaga ‘yon dati!

“Ang aga mo nagka-crush ah!” Pang-aasar ko sa kaniya dahil wala akong masabi talaga.

“Ikaw naman. Ikaw palagi.” Seryosong sagot nito habang nakatingin sa mga mata.

“Every time I see the color of the day sky, and the color of the sea. It’s always you that I see. Kapag nakikita ko ang kulay na blue, sumasagi ka sa isip ko.” Saad ulit nito habang nakatingin sa dagat.

“Parang nasumpa ka sa favorite color ko ah!” Pang-aasar ko ulit sa kaniya habang namumula.

“Sumpa talaga. Sumpang gustong gusto ko.” He answered and grabbed my waist.

Para naman akong na-kuryente sa ginawa nito. At ang tibok ng puso ko ay sumasabay sa ingay ng alon sa dagat. Jusko, anong ginawa mo saakin Thaddeus Kade Lopez.

 ---
enjoy reading!;)

@dfndrsun

Love At First Argument (Law student series#1)Where stories live. Discover now