Chapter 4

34 1 0
                                    

YANNA'S POV

Tumunog na ang bell at ibig-sabihin ay break time na.

Tumayo ako at tumayo rin sila.

" Tara sa canteen. " Sabi ni Marlow sa'kin.

Tumango ako at umalis ng room.

Nang malapit na ako sa canteen ay nagtaka ako nang makitang pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

Anong meron? Masyado na 'ba akong maganda at palagi akong pinagtitinginan?

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang mga kaklase ko na nakasunod sa'kin.

Ay, kaya naman pala.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na ako sa canteen.

Hindi masyadong marami ang tao which is good dahil hindi masyadong maingay.

Walang pumipila sa lunch lady kaya pumila na ako.

Tumingin ako sa menu. " Set A. "

Tumango ito at ibinigay ang order ko.

Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong pumili na sila ng table.

Pagkatapos 'non ay umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain.

Sa ibang table ako umupo kasi ayokong katabi ang mga ugok pero malapit lang sila sa pwesto.

" Hi, Yanna! " Malakas ang boses ni  Marlow ng batiin niya ako na para 'bang ngayon lang kami nagkita.

Umupo siya sa tabi ko.

" Pwede 'bang makiupo? " Tanong niya.

" Nagtatanong ka e nakaupo ka na nga. "

Hindi na siya nagsalita ulit dahil busy na siya sa pag kain.

Napangiwi pa ako nang makita ko ang sunod-sunod na pagsubo niya sa carbonara.

Takaw.

Akala mo hindi kumain ng isang araw e.

Napatingin ako sa entrance nang mapansin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante.

" Ayan na sila. "

" Paniguradong gulo na naman 'to. "

Ano daw?

Nakita ko si jaden, May kasama siyang dalawang lalaki.

Tinignan ko sila hanggang sa makaupo sila sa may bandang gitna.

Lumingon sa'kin si Jaden kaya yumuko ako.

Alam 'kong alam niyang dito ako nag-aaral pero ayoko pa ring magpakita.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang may humarang sa harapan ko.

" I heard, transferrie ka sa section 13? " Sabi nung babaeng nasa gitna. Tatlo sila.

She looks familiar.

" Oh e ano naman sayo? "

Bakit 'ba parang ang big deal naman sa kanila na nasa section 13 ako?

" Edi isa ka din palang basura. " Nagtawanan silang tatlo.

Hindi ko siya pinansin dahil mukhang kulang siya sa pansin at sa halip ay ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko.

" Ang malas mo at napunta ka sa section na 'yon. "

" I pity you. "

" Hindi ko naman sinabing maawa ka. " Hindi ko maiwasang hindi magsalita.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now