Chapter 3

88 2 0
                                    

YANNA'S POV

Ilang minuto na ang lumipas at sa wakas ay tapos na ring magturo si Sir Ross.

Kanina pa kasi ako nakatingin sa whiteboard pero wala namang pumapasok sa utak ko.

" Class Dismissed. " Sinulyapan niya muna ako saglit bago umalis.

Pagkatapos niyang umalis ay lihim kong tinignan yung mga kaklase ko.

Kanina ko pa kasi nararamdamang may mga matang nakatingin sa'kin at hindi nga ako nagkamali.

Bakit ganyan sila kung makatingin? Ngayon lang 'ba sila nakakita ng dyosa na kamukha ni aphrodite? O ngayon lang sila nakakita ng babae?

Halos lahat kasi sila ay lalaki at 'yon ang pinagtataka ko.

Umabsent 'ba lahat ng mga babae? Pero bakit? Ano yon, sabay-sabay? Pinagusapan?

Nakaisip naman ako ng ideya. Inilibot ko ang tingin ko, nakatingin silang lahat sa'kin pati na rin yung mga nasa harapan.

Pumunta ako sa harapan ng whiteboard at umupo sa teacher's table.

" Anong ginagawa mo dyan? " Tanong nung isang lalaki na may suot suot na sumbrero.

Ano 'ba naman 'to, nasa loob na nga ng classroom nakasuot pa ng sumbrero.

" Kanina pa kayo nakatingin eh. Pumunta na ako dito para hindi na kayong mahirapang tumingin sa mala dyosa 'kong ganda. " Ngumiti ako at nagbeautiful eyes pa pero nagmukha lang yata akong tanga.

Naaawa ako sa mga nasa harapan, baka mastiff neck sila, kasalanan ko pa. Kaya ako na ang mag

Nakita 'kong ngumiwi ang iba dahil sa sinabi ko at kanya-kanya silang umiwas ng tingin. May iba namang nagreact.

" Feeling amputa. "

" Assumera. "

" Parang ang lakas ng hangin. "

Nang makita kong wala ng nakatingin sa'kin ay bumalik na ulit ako sa pwesto ko.

Maya-maya ay may iba akong kaklase na nagsilapitan sa akin.

" Leave this section while you can. " Malamig na sabi nung lalaking singkit.

" Hindi mo gugustuhin ang mga mangyayari sayo kapag nagstay ka pa dito. " Sabi naman nung isa.

" Ayoko nga. Ikaw na lang kung gusto mo tutal ikaw naman ang nakaisip. " Tinignan ko sila isa-isa.

Bakit ganon?

Bakit ang popogi nilang lahat?

" Are you sure? If you stay here, are you ready to face the consequences? " Malamig na ani nung lalaking gwapo na nakacross-arms.

Consequences? For what?

For staying here? Patawa.

Ako si Jade. Mataas ang pride ko. Matigas 'to.

" Wala akong pake kaya pwede 'ba? Magsialis nga kayo diyan at ang papanget ninyo. " Iritang ani ko kahit hindi naman totoo ang huli 'kong sinabi.

Hindi sila makapaniwalang tumingin sa akin.

" Then fine, stay here as long as you want. " Malamig na sabi niya at ngumisi. " Welcome to hell. "

Ako naman ang ngumisi ng matunog. " Hell is where I live. "

Matagal niya akong tinitigan sa mata, nilabanan ko naman ang titig niya.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now