Chapter 8

70 2 0
                                    

Yanna's Pov

Napatingin ako sa paligid ko. Everything is white.

Nasa langit na 'ba ako?

Naglakad lakad ako ng konti hanggang sa mawala na ang puti sa paligid.

Napunta ako sa isang pamilyar na lugar.

Anong ginagawa ko dito?

May narinig akong kung anong sigaw at nagmumula iyon sa kaisa-sang bahay. Lumapit ako at tinulak ang gate. Nakabukas ito kaya pumasok na ako.

Pagkapasok 'ko ay may bumungad sa akin ang isang batang babae at isang lalaki.

Hawak ng lalaki ang pulso ng batang babae, mukhang sinasaktan niya ito dahil umiiyak ang babae.

" M-Mommy! " Ayan ang paulit-ulit na sinisigaw ng babae habang umiiyak.

" Huwag mo ng tawagin ang nanay mo! Wala siya rito at wala siyang pake sayo! "

" Mommy! " Hagulhol ng bata.

" Hindi ka tatahimik?! " Pagkatapos sabihin ng lalaki 'yon ay hinila niya ang bata papunta sa isang malaking aparador.

Binuksan niya iyon at sapilitang pinasok ang bata 'don na pilit kumakawala.

" Ayan! Dyan ka muna hanggang sa magtanda ka! " Bulyaw ng lalaki habang kinakandado ang aparador.

Kinalampag ng kinalampag ng batang babae ang aparador pero parang walang narinig ang lalaki.

" Mommy!! Where are you?! I need you! " Sigaw ng babae habang humahagulhol.

Hinawakan 'ko ang pisngi 'ko nang may maramdaman akong basa.

Umiiyak ako.

Narealized 'ko kasi na . . . Ako pala ang batang babae na iyon.

" YANNA! "

Binuksan ko ang mga mata ko at napabangon ako, I saw Jaden and Karina.

" Are you okay? " Nag-aalalang tanong ni Karina at inabutan ako ng tubig. Ininom ko naman ito kaagad.

" Anong ginagawa ko dito? " Tanong ko pagkatapos kong ilibot ang paningin ko.

" You passed out. " Sabi ni Jaden at umupo sa upuan.

Dun ko lang naalala ang mga nangyari. Ang pagbalik ko sa room, Ang parteng kinulong nila ako hanggang sa naglagay sila ng mga ipis.

Tangina talaga ng mga iyon.

Tinanggal ko ang kumot at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Karina.

" Hindi ka pa okay. "

" Okay na ako. " Sabi ko at tumayo.

" Shut up and go back. " Malamig na sambit ni Jaden.

Ngumuso ako at wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya.

Sungit.

Kenzo's Pov

I am currently looking for that Francheska Witch.

She left her folder earlier at home, Inutusan ako ni mommy na ibigay sa kanya 'yon since same school kami.

Hindi 'ko naibigay sa kanya kanina dahil nagmamadali siyang umalis.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now