Chapter 1

301 6 0
                                    

Her Pov

" Putangina mo! Gago ka. " Sigaw 'ko sa magnanakaw sabay sipa sa kanya.

Napa-daing at napahiga siya sa ginawa ko. Puno na ng sugat at dugo ang mukha niya.

Naglalakad lang ako ng tahimik kanina nang bigla 'kong nakita na inagaw niya ang wallet ng matanda.

Ito tuloy ang inabot niya.

Hinawahan ko ang patilya nito at hinila paitaas, napasigaw siya sa sobrang sakit.

" Uulit ka pa? "

Wala akong narinig na sagot kaya mas lalo 'ko itong hinila.

" H-Hindi na! Hindi na! Sorry! " Natatakot na sigaw niya, naiiyak na.

" Nasaan ang wallet? " Malamig at walang emosyon na tanong ko.

Nanginginig na inabot niya sa'kin ang wallet na ninakaw niya.

Sisipain ko na sana ito ngunit naiwan ang paa ko sa ere nang may marinig akong kung anong kalabog.

What was that?

Umayos ako ng tayo at lalapitan ko na sana iyon nang bigla akong itulak ng magnanakaw sabay takbo ng mabilis.

Anak ng. . . Nalingat lang ako saglit nakatakas na.

Luminga-linga ako sa paligid. Anong oras na pala, baka hinihintay na ako nung matanda.

Kinuha ko ang backpack ko at naglakad na paalis.

***

" Maraming salamat sayo, apo. "

Ngumiti ako ng pilit.

" Wala lang 'ho 'yon. " Sagot ko.

Pagkatapos 'kong maibigay ang wallet niya ay nagpaalam na ako.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang suot kong uniform.

Napailing ako. Madumi, yari na naman ako nito kay ate thea.

Sesermonan na naman ako 'non. Tsk.

***

" Where did you go? Alam mo 'bang kanina ka pa namin hinihintay? " Ayan ang bungad na tanong sa akin ni Ate Thea pagkapasok ko sa bahay.


" Tsaka bakit madumi na naman 'yang uniform mo? Kailan mo 'ba titigilan 'yang pakikibasag-ulo?! "

Tinapunan ko lang siya ng tingin, walang emosyon. " Ikaw? Kailan mo 'ba titigilan ang kakatalak? Nakakarindi na e. "

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. " Titigil lang ako kung titigilan mo na rin ang kakahabol sa anumang gulo! "

" Hindi ako ang naghahabol sa gulo, ako ang hinahabol ng gulo. " Pagtatama ko.

" Hindi naman la-laki ang gulo kung hindi ka rin pumapatol. "

" Alangan namang hayaan 'kong ako ang ma-argabyado? I'm not born to do that. "

" Ayan! Dyan ka magaling, sa kakasagot sa akin. For god sake naman, Yanna! Kailan mo 'ba titigilan 'yang pagrerebelde mo?! " Galit na sigaw niya.

Natahimik ako.

" 17 ka na! Pero hanggang ngayon, umaakto ka pa rin na parang bata. "

" Hindi mo ako naiintindihan. " Matigas na saad ko.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now