Hiro's Pov
" Hanggang kailan kaya siya hihilata diyan? " Tanong ni Marlow out of nowhere.
Were in the hospital right now. Sarado kasi kanina ang clinic kaya dito na namin siya dinala.
Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa. May iba namang nakatayo kagaya nila Pierce, Kenzo, Theo, at Michael. May iba rin namang nakaupo sa tabi ng bed ni Yanna, kagaya na lang ni Marlow at ni James.
Tinignan ko ang kabuuan ni Yanna. Walang galos ang mukha niya, maliban na lang sa sugat sa noo niya at sa gilid ng labi niya. May iilan din siyang galos at sugat sa kamay at paa.
" Sleeping beauty ang peg ni ante. " Ani Michael.
" Beauty? Nasaan? Hindi ko makita. " Pabirong ani ni James.
Nagtawanan silang lahat habang ako ay ngumisi lang.
" Kung gising lang si Yanna ngayon, kanina ka pa niya nabatukan. " Sabi ni Marlow.
Natigil lang sila sa pagtawa nang magsalita si Vander. " Sino kaya ang gumawa nito sa kanya? " Halatang malalim ang iniisip ni Vander.
That's the question in my mind too.
" Is it possible that. . . It's one of our enemies? " Seryosong tanong ni Luhence.
If it's them, How did they enter the school?
" Baka ang grupo ni Crypton ang may gawa 'non! Hindi sila sumipot kanina, di'ba? " Sambit ni Charles.
Napahinto ako. Ayun 'ba ang dahilan kaya hindi sila sumipot kanina? To hurt Yanna?
" It looks like they found out. " Kenzo said.
" Ano ng gagawin natin? Baka saktan ulit nila si Yanna. " Sabi naman ni Marlow at tinignan ang walang malay na si Yanna.
I stared at Luhence, he looks so serious at mukhang malalim din ang iniisip.
I don't know but I observed that this past few days. . . He is always acting so weird.
I always caught him staring at Yanna's direction, at minsan ay nakikita 'ko pa siyang napapangiti.
I don't know what's going on with him but I know something was up.
Lahat kami ay napatingin sa pinto nang bumukas iyon, Iniluwa 'non ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's.
Pag-aalala ang makikita sa mukha nito at nangingilid ang luha niya.
" Yanna! " Kaagad niyang nilapitan si Yanna.
I think, It's her mom. Magkamukha sila.
She examine Yanna's body. " Omyghad! Sino naman ang may gawa nito? " Napahawak siya sa dibdib niya.
Napatingin ulit kami sa pinto at bumungad samin ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa mid 20's or 30's. Nagcross arms ito habang pinapanood ang babae.
" Ma naman! Parang hindi ka na nasanay kay Yanna na palagi na lang may galos sa katawan. " Sabi ng babae, nakasalubong ang dalawang kilay niya at mukhang mainit ang ulo.
" Hindi ka 'ba worried kay Yanna? " Tanong nung babaeng nasa mid 40's na yata.
" Hindi. Masamang damo yan, ma. Matagal pang mamamatay yan. "
Nakita ko namang palihim na natawa sila Marlow.
Mukhang napansin naman kami ng babaeng nasa tabi ni Yanna. " S-Sino kayo? Kayo 'ba ang nagdala kay Yanna dine? " Tanong niya.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...