Chapter 15

20 1 0
                                    

Yanna's Pov

" Ang tagal namang magbreak time! " Rinig 'kong reklamo ni marlow.

Liningon ko siya. " Anong break time? E, kakapasok mo nga lang. " Sabi ko.

Ngumuso siya. " Gutom na ako. "

" Hindi ka 'ba kumakain sa bahay niyo? " Nagtatakang tanong ko dahil napapansin ko na kada papasok siya ay puro pagkain ang bukang bibig niya.

" Hindi. " Sagot niya at umiwas ng tingin.

Tatanungin ko pa sana siya kung bakit kaso, bigla niya na akong tinalikuran at pumunta siya kila pierce.

Anyare 'don?

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon dahil baka ayaw niya lang pag-usapan.

Napatingin kaming lahat sa speaker nang bigla iyong tumunog.

" Arianna Celestina Jade Garcia, please go to the guidance office. "

" Arianna Garcia, please go to the guidance office. "

Nagkatinginan kami ng mga kaklase ko.

" May ginawa ka na namang kalokohan 'no? " Tanong ni michael.

Napaisip ako. Wala naman akong naaalalang may sinapak ako ngayong araw.

" Wala. "

" Weh? May sinapak ka na yata ngayong araw e " Ani ni Charles.

Pinandilatan ko siya. " Ikaw, gusto mo? " Inangat ko pa ang kamao ko.

" Grabe ka naman. Kabago bago mo pero gumagawa ka na kaagad ng gulo. " Naiiling na ani ni James.

Inirapan ko siya. Hindi kaya ako ang gumawa ng gulo! Sila kaya 'yon.

Magsasalita sana ako pero hindi ko na naituloy iyon nang bigla ulit magsalita yung speaker.

" All of Section 13, please head to the guidance office right now. "

" All of Section 13, please head to the guidance office right now. "

" Luh, bakit pati tayo? " Tanong ni pierce.

" Anong ginawa natin? " Inosenteng tanong ni marlow.

" We can't answer that questions if we're not going to the principal's office. " Sambit ni Hiro.

***

Nang makarating kami sa principal office ay nagtaka ako nang makitang nandun si jaden, kasama niya si francheska at ang isang lalaking hindi pamilyar.

Anong ginagawa nito dito?

" Sit down. " Sinunod ko ang sinabi ng principal, nasa likod ko naman nakatayo ang mga kaklase ko.

" Pwede ko ho 'bang malaman kung anong atraso ko? " Tanong ko sa principal.

Itinaas niya ang kaliwang kilay niya. " Are you seriously asking me that? "

Mukha 'ba akong nagbibiro?

" Call your guardian. "

" Ho? " Tanong ko. Para akong nabingi.

" I said, call your guardian. "

Bigla naman akong kinabahan. " Para saan? "

Lumingon ako kay jaden nang marinig ko ang matunog niyang pag ngisi.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now