Yanna's Pov
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.
Inilibot 'ko ang paningin 'ko, puro mga kahon ang nakikita 'ko. Para akong nasa isang ware house.
Nasaan ako?
Nakaupo ako sa isang upuan at walang tao.
Sinubukan 'kong tumayo at dun 'ko lang napansin na nakagapos pala ang mga kamay at paa ko.
Huwag mong sabihing. . .
Nakidnap ako?!
Biglang dumaloy ang excitement sa katawan 'ko, makakapag basag ulo na naman!
Tinignan ko kung ano ang bagay na nakagapos sa akin.
Lubid.
Ano 'ba yan, lubid lang?! Mahirap siguro ang taong kumidnap sa akin.
E kayang-kaya 'kong makawala sa lubid na 'to, e!
Nanghihinayang akong sumandal sa kinauupuan 'ko.
Wala manlang thrill.
" Gising ka na pala. " Pumasok ang isang lalaking mataba ang tiyan.
Tinignan 'ko ang kabuuan niya. Napangiwi pa ako nang makita ang malaginto niyang ngipin kaya hindi 'ko napigilang magsalita.
" Ang angas ng ngipin mo, ah? Real gold 'ba yan? " Tanong ko sa kanya.
" Manahimik! "
Ngumuso ako. Nagtatanong lang naman.
Hindi na sana ako magsasalita pero may napansin ako sa kanya.
" Naglagay ka 'ba ng shining shimmering diyan sa ulo mo? Ang kinis e. "
Nasisilaw ako.
" Nang-aasar ka 'ba? " Pagalit nitong tanong.
" Huwag 'kang magalit, nagiging kamukha mo si anger. "
" Sabing manahimik ka! " Lumapit siya sa'kin at sinampal ako ng malakas.
Tumabingi ang ulo 'ko sa lakas 'non at nalasahan 'ko ang dugo.
" Kagaya ka nila, matabil din ang dila. " Sambit niya.
" Sinong nila? " Tanong ko at lumingon sa kanya.
" Edi ang mga kaklase mong hambog. "
Napaisip ako. " Bakit mo 'ba ako kinidnap? "
Wala naman akong naaalalang nakaaway 'ko dati na ganyan ang mukha.
Ngumisi siya. " Para mapalabas ko ang mga kaklase mo sa mga lungga nila. "
Ang mga kaklase 'ko?
" Bakit? Ano 'bang ginawa nila sayo? "
" Madami! Sa sobrang dami hindi 'ko maisa-isa! " Sigaw niya.
Tsk, tsk, tsk. Mukhang malaki ang atraso nila sa ekalal na 'to.
Galit e. Namumula pa ang mukha.
Tumingin ako sa kung saan. " Kung ako sayo, huwag 'ka ng umasa. Hindi pupunta ang mga 'yon. "
Pupunta sila para lang iligtas ako? Sus, mas malabo pa sa relasyon niyo.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...