Yanna's Pov
Dumaan ang tatlong subjects namin at ngayon ay break time na
Ang favorite subject ko sa lahat.
Umorder lang ako ng isang sandwich at isang tubig.
Inilibot ko ang paningin ko. Halos lahat ng table ay may mga nakaupo na.
Mukhang sa labas ako kakain.
Aalis na sana ako pero nahagip ng paningin ko si marlow, papalapit siya sa'kin. " Dun ka na sa table namin. "
Hindi pa 'man ako nakakapagsalita ay bigla niya na akong hinila papunta sa table nila.
Mukhang wala akong choice.
Umupo ako sa tabi ni Luhence, iyon na lang kasi ang bakanteng upuan.
Habang kumakain ako ay ramdam ko ang titig ni Luhence sa'kin.
Problema na naman nito?
Nilingon 'ko siya. " Tinitingin-tingin mo? "
" What? Im not. " Ani niya at umiwas ng tingin.
Tumingin ako sa mga kaklase ko, sa lahat, sila ang pinaka maingay dito sa loob ng canteen. Nangunguna pa ang malakas na boses ni Marlow.
Sa kalagitnaan naman ng pag kain ko ay lumapit sa amin si Jaden.
" Let's talk. " Seryosong sambit niya.
" Ayoko. " Sagot ko at ipinagpatuloy ang pag kain.
" Arianna Jade! " Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla niyang isigaw ang pangalan ko.
Puta, akala ko mabibingi ako.
" Ano 'ba yon? Sinabing ayoko nga. "
" Why are you so hard headed? " Iritang ani niya.
" Wala na tayong dapat pagusapan. " Tumayo ako dahil bigla 'kong naramdaman na parang maiihi ako.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
Hindi pa 'man kami nakakalakad ng dalawang hakbang ay may naramdaman akong humawak sa kabila 'kong kamay, pinipigilan akong umalis.
" Can't you hear what she just said? She doesn't want to talk to you. " Tumingin ako sa nagsalita 'non. Si Luhence, siya ang may hawak ng isa 'kong kamay.
" Bitaw, mind your own business. " Sabi ni Jaden at hinila ako pero naramdaman 'ko na mas lalong hinigpitan ni Luhence ang pagkakahawak niya sa'kin.
" You can't force her to go with you, she didn't want to. "
" Why do you fucking care? " Inis na tanong ni Jaden.
" K-Kailan 'kong---- " Sinubukan 'kong magsalita pero pinutol iyon ni Luhence.
" I care because she's one of us. She's in Section 13. "
Nagsalubong ang dalawang kilay 'ko. Eh? Parang kahapon lang pinapaalis nila ako, ah?
" Im warning you, Martinez. If you don't let her go, I will punch that stupid face of yours. " Malamig na saad ni Jaden.
Tumaas naman ang sulok ng labi ni Luhence. " Can you, Garcia? "
Pagkatapos 'non ay nagtitigan sila.
Tumataas na din ang tensyon sa pagitan nila.
Nagpabalik balik ang tingin 'ko sa kanila ng dalawa. Ano 'bang nangyayari sa kanila? Bakit parang ang laki ng galit nila sa isa't-isa? Anong meron?
![](https://img.wattpad.com/cover/370433737-288-k621604.jpg)
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
AksiArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...