Yanna's Pov
" Bakit 'ba kasi magkasama kayo ni Austin kanina?! " Makulit na tanong ni Marlow sakin.
Nandito kami ngayong lahat sa sala, pagkatapos kasi naming kumain kanina ay dito kami dumiretso.
At hanggang ngayon ay hindi na nila kami tinigilang tanungin yan--- Ay ako lang pala, para kasing walang pakialam si Luhence sa pang-aasar nila. Hindi rin naman siya ginugulo nitong mga 'to, natatakot yata.
" Call me that name again and I'll punched that face of yours. " He looked pissed.
Mukhang natakot si Marlow kaya naman nagtago siya sa likod ko.
" Austin? " Nagtatakang tanong ko.
" Second name 'yan ni Luhence. " Si Clark ang sumagot.
" Hindi mo alam?! " Oa na tanong ni James sa akin.
Napairap ako dahil sa walang kwenta niyang tanong. Magtatanong 'ba ako kung alam ko?!
Pero kaagad din akong napangisi nang may biglang pumasok sa isip ko.
Lumingon ulit ako kay Luhence, mukhang asar na asar siya nang mabanggit ang second name niya.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. " What? " Masungit na tanong nito.
Ngumisi ako. " Wala, Austin. "
Kaagad na nagsalubong ang dalawang kilay niya, pero hindi ako natakot at sa halip ay mas lalo pang lumawak ang ngisi ko.
Ang saya palang makitang mainis siya.
Sumandal ako sa sofa at nagpandekwatro ng pambabae, nagcross-arms pa ako habang nakatingin sa kanya. " Austin. " Nakangiting pagtawag ko.
Hindi ko na pinansin ang mga kaklase namin na nagpipigil ng tawa.
" Can you stop?! "
Umiling ako. " Ayoko nga, ang saya mong asarin. "
Aasarin ko pa sana siya ngunit may naramdaman akong dalawang pares na mga matang nakatingin samin.
Inilibog ko ang paningin ko at tumigil iyon sa Papa ni Luhence na mukhang pinagmamasdan kami.
Nagtama ang paningin namin at nagkatitigan kami ng ilang segundo.
" Yanna! "
Gulat akong lumingon ako sa tumawag sakin. " H-Huh? "
" Kanina ka pa namin tinatawag. " Sabi ni James.
" Sabog ka 'ba, ha? Ano 'bang tinitignan mo? " Tanong ni Marlow sabay tingin dun sa pwesto ng papa ni Luhence pero ng tignan ko ulit yon ay wala na siya.
" Tapatin mo nga kami, Yanna. " Seryosong sabi ni Thad.
Naguguluhan ko siyang tinignan. " Ha? "
" May nakikita ka 'bang hindi namin nakikita? "
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. Putek, akala ko naman seryoso na.
" Aray! " Daing niya.
" Lumayo-layo ka, sasamain ka sa' akin. " Pagbabanta ko.
Mukhang effective naman dahil itinikom niya ang bibig niya at tumabi na lang siya kay Charles na malayo sa amin.
" Nasan ang cr niyo? " Tanong ko kay Luhence.
" Bakit? Magccr ka? " Hindi ko alam kung tanong pa 'ba yon. Ang bobo kasi ng tanong, pati ang nagtanong.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...