Yanna's Pov
Heto ako ngayon naglalakad pauwi, kasama ko ang mga kaklase ko.
Bakit kami naglalakad?
Well, may dala naman silang van nang makarating sila kanina. Ang kaso nga lang, ang mga gago hindi pala nagpa gas.
Oh diba, ang galing.
Mag gagabi na nga dahil may kalayuan pala ang pinagdalhan sa'kin ng hayop na 'yon.
Wala pang masyadong dumadaan na tao at sasakyan.
Sana nga lang ay wala si Ate Thea sa bahay.
Dahil kung hindi, yari na naman ako.
" Sino 'ba ang may balat sa pwet dyan? "
" Si Marlow yan! Hindi nagpa gas! "
" Bakit ako? Kayo kaya 'yon! "
" Si Nathan kasi e! Puro pagwapo lang ang alam, hindi naman gumagwapo. "
" Gago ka, ah?! "
" Ang ingay niyo! "
Ayan na naman sila. Nag aaway na naman. Kanina pa kasi sila nagtuturuan.
Pare-parehas lang naman sila.
" Malayo pa 'ba? " Bagot na tanong ni Theo na halatang pagod na.
" I think so. "
Ang sakit na ng paa ko. Hindi ko alam kung nasaang lupalop na kami napadpad.
Dumagdag pa 'tong si Marlow, kanina niya pa ako dinadaldal. Bukang bibig niya ay pagkain.
" Gusto ko ng Fried Chicken, Spaghetti, Carbonara, Ramen, Hotdog, Itlog, Sandwich--- "
See?
Kung hindi ko 'to kilala, napagkamalan ko 'tong nakatakas sa mental.
Napatingin naman ako sa phone ko nang mag ring yon. Napatingin din sa'kin ang mga kaklase ko.
~ Ate Mattheatot is Calling. . . ~
Napatigil ako sa paglakad kaya mas nauna ang mga kaklase ko. Nasa likod nila ako ngayon.
Ito na nga 'ba ang sinasabi ko.
Sasagutin ko 'ba? O sasagutin 'ko?
Syempre, sasagutin.
Kaagad 'kong pinindot ang green na button.
" WHERE THE HELL ARE YOU?! DO YOU KNOW WHAT TIME IT IS?? IT'S ALREADY 6 PM! " Nailayo ko ang phone ko sa tainga ko nang marinig ang sigaw ni Ate.
Tangina, mababasag pa yata ang eardrums ko.
" Ate----- " Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nang sumigaw na naman siya.
" WHAT?! ANO NA NAMANG EXCUSE YAN, HA? DON'T TELL ME, NAKIKIPAG-AWAY KA NA NAMAN? "
Amaze akong napatingin sa phone ko na para 'bang nakikita ko si Ate Thea.
" Paano mo nalaman? " Gulat na tanong ko.
Narinig ko naman mula sa kabilang linya ang boses ni Tita na parang pinapalma si Ate.
" Huwag 'kang mag alala, pauwi na ako. " Nakangusong saad ko.
" Dapat lang! Umuwi ka bago mag 8 dahil kung hindi, matatangal ang tainga mo pag-uwi mo. " Sabi niya at pinatay ang tawag.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
AcciónArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...