Yanna's Pov
Isang linggo na ang lumipas simula nung matransfer ako sa Section 13.
Sa isang linggo na iyon ay napansin 'ko na medyo bumait na sa akin ang mga kaklase ko.
Ginagawa pa rin naman nila ako ng kalokohan pero di na kagaya ng dati.
Medyo nabawas-bawasan na ang kademonyohan ng mga gago.
" Pahingi naman, Yanna. " Napatingin ako kay Marlow.
Nandito kaming dalawa sa canteen. Nabuburyo na kasi ako sa room kaya heto kami, nagmumukbang.
" Ang dami-dami mo ng inorder, hihingi ka pa?! " Tinuro ko ang sandamakmak na pagkaing nasa harapan niya.
" Sige na, Yanna. Pleashh! " Ngumuso pa siya.
Imbis na maging cute ay nagmukha lang siyang pato.
" Alam mo, napaka-takaw mo. Mabulunan ka sana. " Sabi ko sabay irap.
" Pahingi ako, ha? " Kukunin niya na sana ang isang plato ng palabok pero kaagad 'kong pinalo ang kamay niya.
" Pumayag ba ako? " Mataray na tanong ko.
Umirap siya at muling ngumuso. " Damot. "
Bigla namang may pumasok na ideya sa isip ko.
Ilang araw na 'tong gumugulo sa isip ko.
Napangiti ako. " Sige. Sayo na yan--- sasagutin mo ang tanong ko. "
Ngumiti siya. " Game! "
Basta pagkain talaga.
" Sino si Sierra? " Tanong ko.
Narinig ko kasi ang pangalan na yan galing kay Francheska nung nag-away kami.
Nacurious lang ako kung sino ba yung Sierra na yon, parang ang laki kasi ng galit niya e.
Halata sa mga mata niya ang gulat. " S-Saan mo naman napulot ang pangalan na yan? "
" Kay Francheska. Kung ano-ano ngang sinabi e, kesyo gagamitin ko lang daw kayo kagaya ng ginawa ni Sierra. " Bahagya akong natawa. " E hindi ko naman kilala kung sino yung binabanggit niya. "
Hindi ako nakarinig ng anumang salita sa kanya kaya muli ko siyang tinignan.
" Bakit? " Nagtatakang tanong ko.
Bigla na lang kasi siyang tumahimik at parang nag-iba ang awra niya.
" Dati namin siyang kaklase, dati siyang section 13. " Pag-sagot niya sa tanong ko kanina at umiwas ng tingin.
" Talaga? " Gulat na tanong ko. " Ano naman yung sinasabi niya na ginamit--- " Hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil pinutol niya iyon.
" Huwag 'kang madaya! Nasagot ko na ang tanong mo kaya. . " Lumaki ang ngiti niya at kinuha ang palabok. " Sa akin na 'to. "
Sumimangot ako. " Ikaw ang madaya, madami pa akong tanong e. "
" Sige, sasagutin ko yan. Basta ba isang tanong, isang pagkain ang kapalit. "
Mas lalo akong sumimangot. Parang lugi naman yata ako ron.
Umiling ako. " Hindi, huwag na pala. "
Baka maubos lang ang pagkain ko sa sobrang dami kong tanong.
***
Nakatulala ako ngayon habang blankong nakatingin sa harapan ng board.
Ang daming tanong ang naglalaro sa utak ko.

YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia-she's not just an ordinary girl. She can fight. She can protect the people around her. She can do anything. But beneath her fearless facade lies a world of secrets-hidden and untold. Her life? A mess. Trouble seems to f...