Chapter 14

62 2 0
                                    

Yanna's Pov

Friday na ngayon.

At ngayon ang araw ng paghihiganti ko sa mga deputa 'kong mga kaklase.

Sa pamamalagi ko kasi sa Section 13, wala silang ibang ginawa kung hindi ang buhusan ako ng kung ano-ano.

Mapa tubig 'man yan, slime, harina, wala silang pinalampas.

Naglagay pa sila ng mga ipis sa room.

Akala 'ba nila matatakot ako 'don?

Well, natakot nga ako. But anyways, maaga akong gumising kanina para mabili ko ang mga kakailanganin ko.

Bumili ako sa kaibigan 'ko ng maraming red paint, at kumuha ako ng mga bato.

Mamaya niyo na malalaman kung saan ko gagamitin ang mga 'yon.

Fast forward, nandito na ako sa school---- sa tapat ng room namin.

Maaga akong umalis kanina sa bahay dahil napapansin ko na sa tuwing papasok ako, ako ang laging nahuhuli.

Nagtaka pa nga kanina si Tita e. Alam niya kasi na umaalis ako ng bahay 5 minutes bago magsimula ang klase.

Ganyan ako kasipag na estudyante.

Pagpasok ko sa room ay kinuha ko na ang red paint. 15 pcs 'to.

Hindi ko binili 'to sa kung saan-saan. Binili ko 'to sa isa 'kong kaibigan na gumagawa ng mga customize.

Ang mahal nga nito e. 1k isa.

Pagkatapos 'kong gawin ang prank na 'to, ubos talaga ang allowance ko.

Pero maganda din naman kasi 'to, dahil kapag nilagay ko 'to sa mga upuan nila, hindi nila makikita. Makikita lang nila ang kulay red kapag nasa mga pants na nila.

( A/N: Gawa gawa 'ko lang po 'yan Hehe XD. )

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilagyan ko isa isa ang mga upuan nila.

13 lang sila at 15 'to. Kaya naman dalawa ang nilagay ko sa upuan nila Luhence at ni Lucas.

Dalawa ang sa kanila dahil palagi silang nagsusungit, akala mo may dalaw araw-araw e.

Palagi kaya akong iniirapan ng dalawang 'yon!

Nang matapos ako ay lumabas na muna ako ng room.

Baka makahalata sila kapag nakita nilang ako ang naunang pumasok.

***

Hiro's Pov

We're here at our classroom and as usual, napaka ingay na naman.

Hindi ko tuloy alam kung school pa 'ba ang napasukan ko o palengke na sa sobrang ingay.

Umayos ako ng upo but I felt something weird in my pants.

It felt sticky. What was that?

Tinignan ko ang upuan ko and I saw nothing.

I just shrugged It off, maybe I'm just overthinking.

" Panget! " Rinig 'kong sigaw ni Pierce kay Marlow.

" Mas panget ka! " Sigaw na pabalik ni Marlow.

" Mas mas panget ka! "

" Pinaka-panget ka! "

" Mas pinaka panget ka! "

Kanina pa nag aasaran ang dalawang 'to. Nagtatalo sila kung sino ang mas pangit.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now