Yanna's Pov
" Oh? Himala, umuwi ka ng hindi madumi ang uniform at walang bangas. " Sabi ni Ate Thea pagkadating ko sa bahay.
" Syempre. Nagbago na ako 'no. " Proud pa na ani ko.
Tumaas ang kaliwang kilay niya. " Sana totoo na, Ilang beses mo na kayang sinabi 'yan. "
Tinawanan ko lang siya at umakyat na ako sa kwarto ko.
Tama nga naman.
Hindi ko kasi mapigilang hindi makipag away e.
Tinanggal ko ang bag ko at ibinagsak ang sarili sa kama ko.
First day ko pa lang pero parang ang dami ng nangyari.
Napatulala ako sa kisame.
Sana lang hindi nila gawin bukas ang ginawa nila sa'kin kanina. Yung pagbuhos sa'kin ng malamig na tubig.
Dahil kung hindi, pagsasasapakin ko sila isa isa.
" Yanna. " Boses iyon ni Ate Thea.
" Pasok. "
Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya.
" Totoo 'bang section 13 ka? " Seryosong tanong niya sa'kin.
Tumango ako.
" Lumipat ka ng section. "
" Ha? Bakit? "
" Basta lumipat ka na lang, sa section ni Jaden para mabantayan ka niya. "
" Ayoko. " Sagot ko.
Araw araw ko na nga siyang nakikita sa bahay, pati 'ba naman sa school? Same section pa.
Nauumay na nga ako sa pagmumukha 'non e.
" Kaya ko naman ang sarili ko, hindi na ako kailangang bantayan. " Dagdag ko.
" Hindi lang naman dahil 'don. Hindi mo kilala ang nga kaklase mo, Yanna. They have a lot of enemies and they're bound to do anything. " Bakas sa mga mata nito ang pag aalala.
" Kagaya ng ano? "
" Ang pumatay. " Diretsong sagot niya.
Nagulat ako. Pumatay?
" Kaya sundin mo ako kahit ngayon lang. "
Matagal ako bago nakasagot, hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot.
" Pag-iisipan ko. "
" Bilisan mo ang pag-iisip. " Ayan ang huli niyang sinabi bago umalis.
***
Marlow's Pov
Busy ako sa pag-nguya ng cookies nang may biglang may asungot na nanggulo sa'kin.
" Penge naman, Marlow! " Sigaw ni Pierce sa'kin.
" Ayoko! Kung gusto mo, bili ka ng iyo. " Sambit ko habang ngumunguya.
" Ang damot mo! Hindi naman sayo yan. "
Dumila lang ako sa kanya at tumingin Kay Thad.
Kanina pa siya nakatutok sa laptop niya at halos magfofour hours na pero hindi pa rin siya tapos sa paghahack sa info's ni Yanna.

YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
AksiArianna Celestina Jade Garcia-she's not just an ordinary girl. She can fight. She can protect the people around her. She can do anything. But beneath her fearless facade lies a world of secrets-hidden and untold. Her life? A mess. Trouble seems to f...