Yanna's Pov
Lumipas pa ang apat na araw at sa apat na araw na iyon ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag review ng mag review para sa darating na Quiz Bee at mag practice para sa sayaw.
Langya naman kasi ng mga kaklase 'ko! Ako pa ang sinali sa lahat ng contests, nagdudusa tuloy ako ngayon.
Ibinagsak ko ang libro na hawak ko at nagunat-unat.
Sumasakit ang ulo ko dito!
Puro english pa, pakiramdam ko duduguin ang ilong ko.
Nilingon ko si Kenzo na syang kapartner ko sa Quiz Bee, tahimik at seryoso lang siyang nagbabasa.
Nitong mga nagdaang araw, napapansin ko lang na sa tuwing nagrereview kami ay seryosong seryoso siya.
Alam mo 'yon? Yung parang gustong gusto niyang manalo.
Umiling ako at inalis sa utak ang isiping iyon. Malamang, gugustuhin niya talagang manalo. Sino 'bang hindi?
Inalis ko na lang ang paningin sa kanya at inilibot ang mga mata ko.
Infairness, ah? Kahit na may kanya-kanya silang mga ginagawa ay ang tatahimik nila.
Gusto ko tuloy na pumalakpak sa tuwa dahil sa wakas ay hindi na nila kami ginugulo. Kahapon kasi ay ang iingay nila at panay ang daldal nila sa akin, lalo na si Marlow. Pero ngayon himala, ang tatahimik.
Siguro sa kadahilanang gusto nila kaming makapag focus dahil malapit na nga ang festival.
Bigla namang kumulo ang tiyan ko. Nagutom na ako kakareview.
Kaya naman tumayo na ako at aalis na sana. " Where are you going? " Tanong ni Kenzo sa'kin, napatigil siya sa pagbabasa para tignan ako.
" Bibili lang sa canteen. " Sagot ko at tuluyan ng lumabas ng room.
Nang makalabas sa building namin ay dumiretso na kaagad ako sa canteen.
Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa ko at kumuha ng pera mula roon.
At dahil hindi ako nakatingin sa daanan ay nagulat na lang ako ng may makabanggaan ako. Nanlaki ang mga mata ko.
Parang nagslow motion ang lahat, napapikit na lang ako ng mariin at ready na sanang humagalpak ang ulo ko sa sahig.
Ngunit ganon na lang ang taka ko nang wala akong maramdaman ng ilang segundo. Dahan-dahan 'kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki.
Nasalo niya ako.
Sa gulat ko ay naitulak ko siya.
" S-Sorry. " Pagpapaumanhin ko dahil mukhang napalakas ang tulak ko.
" It's okay. " Sabi niya habang inaayos ang damit niya.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi siya pamilyar sakin, bago lang kaya siya?
Ang akala ko ay okay lang sa kanya ang nangyari pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
" Bakit 'ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo? "
Napataas ang kaliwang kilay ko at tila uminit ang ulo ko sa sinabi niya. " Aba! Kita mo na palang hindi ako nakatingin sa daanan, umiwas ka sana di'ba? " Mataray na usal ko.
Saglit siyang natawa ng sarcastic na siyang kinainis ko. " Now It's my fault? Sa susunod kasi Miss, tumingin ka sa dinaraanan mo para hindi ka ma fall. Tapos kapag hindi ka nasalo, masasaktan ka. Kasalanan ko pa kung nabagok 'yang ulo mo. " Mahabang sambit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/370433737-288-k621604.jpg)
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...