YANNA'S POV
" Wow, she's pretty. "
" Transferrie? "
" Look, pre. Ang ganda, oh! "
Ilan lang yan sa mga naririnig 'kong bulungan sa paligid.
Binilisan ko pa ang pag-lalakad ko dahil palakas na ng palakas ang mga bulungan.
Parang mga bubuyog kung makabulong e.
Tinignan 'ko ang papel na hawak ko.
Section 13.
Saan ko naman hahanapin 'yan? At tsaka bakit 'ba kasi ang laki ng school na 'to?!
Wala pang nakalagay na room number.
Ano 'ba ang akala nila sa'kin? Manghuhula?
May mapa naman na binigay kaso ayokong gamitin. Tinatamad ako.
Hindi naman ako si dora para gumamit ng mapa.
Corny.
Kanina pa ako naglalakad dito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap ang room ko.
Napatingin ako sa isang building na kaharap lang ng building na kinatatayuan ko ngayon.
Mukha itong luma, malayong malayo sa building kung saan ako nakatayo ngayon.
At sa harapan 'non ay puro mga basura.
Siguro ito ang tambakan nila ng mga basura.
Naglakad ako papunta sa harapan ng building na 'yon nang may makita akong isang lalaki.
" Pwedeng magtanong? " Tanong ko sa lalaki, sa kanya na ako nagtanong dahil mukha naman siyang matino.
Maputi ito at chinito. Matangkad at may itsura.
Mukhang nagulat siya nang lapitan ko siya. " Sure, Miss. " Nakangiting sagot niya.
" Alam mo 'ba kung saan ang room ng section 13? "
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon. " Why? What do you need from them? "
" Transferrie kasi ako sa section 13. "
Tinitigan niya muna ako ng matagal bago magsalita.
" This is the building. Nasa 3rd floor ang room mo, sa may bandang dulo. "
" Sige. Salamat. " Ngumiti ako at aalis na sana pero napahinto ako nang bigla ulit siyang magsalita.
" If I were you, lilipat na ako ng ibang section. "
Lumingon ako sa kanya. " Ha? "
Ngumiti ulit siya. " Wala. Nevermind. " Ayon ang huli niyang sinabi bago umalis sa harapan ko.
What was that?
Nagkibit balikat lang ako at pumasok na sa building na 'yon.
Pagkapasok ko ay sobrang tahimik. Tanging yapak lang ng sapatos ko ang maririnig.
Wala 'bang tao dito?
O baka naman pinaglololoko lang ako ng lalaking 'yon?
Kapag mali 'tong napuntahan ko, yari 'yon sa'kin.
Aabangan ko siya sa gate. Eme.
Nang makarating ako sa 3rd floor ay nagtaka ako dahil wala akong nakitang ibang room, maliban sa dulo.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...