Chapter 17

69 2 0
                                    

A/N: Stay dry, everyone! ☔

Yanna's Pov

Ngumisi ang isa. " Ikaw. Ikaw ang sadya namin. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niyang sinipa ng malakas ang upuan ko dahilan para tumalsik ako sa kinauupuan 'ko.

Hinimas ko pa ang braso ko dahil tumama 'yon sa desk ng upuan.

Masakit.

Nang akmang sasapakin ako ng lalaking sumipa ng upuan ko ay sinalo 'ko ang kamao niya at mabilis siyang nakatanggap ng isang malakas na suntok sa panga.

" Puta! "

Ganon din ang ginawa ng isa pero buti na lang ay naunahan ko siya bago niya pa ako masapak.

" Tanginamong babae 'ka! "

Pinaguulanan naman ako ng suntok ng isang lalaki at dahil ang atensyon 'ko ay nasa isang lalaki ay hindi ko na namalayan na may paparating na sipa papunta sa'kin

Napahiga ako at pagkatapos 'non ay pinagsisipa na nila ako ng ilang beses. Hindi na ako nakapalag.

" Lalaban ka pa?! "

" Tanginamo, ang sakit ng suntok mo, ah?! "

" Babae ka 'ba talaga?! "

Akala 'ko nang huminto sila ay tapos na ngunit nagulat ako nang makitang kumuha sila ng kahoy sa kung saan.

Saan naman nila nakuha yan?

Hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon para manlaban dahil pinaghahampas na nila ako ng kahoy na dala nila.

Ibinaluktot ko ang katawan ko dahil sobrang sakit na ng katawan ko.

Nang makuntento na sila at nang makita nila na para na akong lantay na gulay ay itinayo ako ng isa sa mga lalaki at kinwelyohan.

" Kung hinayaan mo na lang sana si Maam Francheska na gawin ang lahat ng gusto niya sayo, wala 'ka sana sa ganitong sitwasyon ngayon. " Amoy na amoy 'ko ang mabaho niyang hininga dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Francheska?

Anong kinalaman ng bruhang 'yon dito?

" Any last words? " Nakangising tanong niya.

" G-Gago ka. . . Ang baho ng hininga mo. "

Mukhang nainis siya dahil sinampal niya ako at sinipa ang tiyan 'ko. " Aba! Tarantado ka, ah?! "

Natawa naman ang dalawang lalaki sa sinabi ko. " Huwag 'kang magalit, pare. Totoo naman. "

" Gago! "

Natigil lang ang pag-uusap nila nang biglang mag-ring ang cellphone ng isa.

" Tumatawag si Ma'am. "

" Ano pang ginagawa mo? Sagutin mo! "

Sinagot naman nila ang tawag.

" Ginawa niyo na 'ba ang pinaguutos ko? "

Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Lucy.

Tangina, siya pala ang may pakana.

" Syempre naman, Ma'am! " Pagkatapos 'non ay nakita 'kong iniharap nila sa'kin ang camera.

Narinig 'kong ngumisi si Lucy mula sa kabilang linya. " It's so nice seeing you like that. Did you forget what I said? Sabi ko di'ba, watch out? Baka sa susunod sira na 'yang pagmumukha mo. Well, this is the time, Yanna. This is my revenge. "

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now