Yanna's Pov
" Yanna, anak.. It's nice to see you again. " Nakangiting sambit niya.
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Dapat 'ba akong matuwa o mainis na ngayong nandito siya at makakasama ko na siya?
Alam ko naman na uuwi siya ng pilipinas pero hindi ko inaasahan na ngayon na pala ang araw na iyon.
Bakit parang ang bilis?
Pinagmasdan ko ang itsura niya. Nakashades siya at nakakulot ang kulay ginger na buhok nito. May suot siyang mga jewelries na sa tingin ko ay ginto. Nakasuot din siya ng kulay red na dress na medyo hapit sa kanya at nakaheels siya na sobrang taas.
Sa itsura niya, pang artista at pang model talaga tignan.
" Hindi mo manlang 'ba babatiin ang mommy mo? " Sabi niya habang nakangiti pa rin.
Natawa ako ng sarkastiko sa isip ko. Ano 'bang ineexpect niya? Na yayakapin ko siya at magtatatalon ako sa tuwa kasi finally nandito na siya?
Pairap akong umiwas ng tingin sa kanya at ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan ako.
" Bakit hindi ka sumabay sa akin sa kotse? Para hindi ka na maglakad. " Alok niya.
Binawi ko ang braso ko. " Hindi na. Malapit naman na yung bahay, Lalakarin ko na lang. " Malamig na sabi ko at naglakad na.
" W-Wait-- Sasabay na lang ako sayo. " Rinig 'kong sabi niya at maya-maya ay tumabi na siya sa akin sa paglalakad.
" Yanna. . Galit ka pa rin 'ba sa akin? "
Hindi ako sumagot at kahit ang pag-lingon sa kanya ay hindi ko ginawa.
Ano sa tingin niya? Nagtatanong pa, obvious naman.
" You've changed a lot but in a good way. Mas lalo 'kang gumanda. " Ramdam 'kong titig na titig sa akin. " Ang laki-laki mo na. "
" Do you know that I'm happy? Very happy. Kasi I'm gonna be able to with you. Makakasama 'ko na ulit ang anak ko. "
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya nang hindi ko siya pansinin. " If you don't want to talk to me, then fine. Basta kapag ready ka na, kausapin--- " Hindi niya na naituloy ang mga sasabihin niya nang putulin ko iyon.
Tumigil ako sa pag-lakad at hinarap siya. " Bakit 'ba ang daldal mo? "
" Gusto lang naman kitang makausap. "
" Pwes ako hindi. Can't you feel? Ayaw kitang kausap. Tsaka bakit 'ba umuwi ka pa dito? Hindi ka na 'ba satisfied sa buhay model mo? " Hindi ko maiwasang hindi sabihin sa kanya ang mga katagang iyon.
Nakakainis kasi e. Uuwi siya dito at makikipag-usap na akala mo ay sobrang close namin.
" Yanna naman. . "
Hindi na ako nagsalita pa dahil baka kung ano lang ang masabi ko at sa halip ay tinalikuran ko na siya at naglakad ng mabilis papunta sa bahay.
Nakasalubong ko pa si Tita sa gate, ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang suklian iyon ng isa pang ngiti.
Dumiretso ako sa kwarto ko at naupo sa kama.
Isa lang ang hiling ko. Sana lang, hindi siya magtagal dito.
***
Buong mag-hapon ay hindi ako lumabas ng kwarto ko, At sa mag hapon na 'yon wala akong ginawa kung hindi ang humilata sa kama.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...