Chapter 9

70 2 0
                                    

YANNA'S POV

Nandito ako ngayon sa kama ko, nakahiga habang nakatulala sa kisame.

Iniisip ko kasi kung pano ako makakaganti sa mga ugok.

Aba, hindi pwedeng hindi ako maghiganti.

Buhusan ko na lang din kaya sila ng tubig? Ng harina?

Habang nagiisip ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa'kin si tita.

" Yanna, busy ka 'ba? " Nakangiting tanong niya at lumapit sa'kin.

Bumangon ako at umiling. " Hindi, bakit po? "

" Uutusan sana kita. "

" Saan? " Tanong ko.

" Ibili mo naman ako nito sa grocery. " Sabi ni tita at binigay sa'kin ang listahan ng mga bibilhin.

" Sige po. " Ibinulsa 'ko iyon at pumunta sa cr para magbihis.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng bahay.

Pants na komportable at t-shirt lang ang sinuot ko. Malapit lang naman ang grocery dito sa bahay namin.

Habang naglalakad palabas ng subdivision ay may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

Pinanliitan ko ang mga mata ko. May suot itong headphones at may hawak na libro.

Nagbabasa siya habang naglalakad.

Ang alam ko, isa siya sa mga kaklase ko.

Ano nga ulit ang pangalan niya?

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang headphone na nasa tainga niya. " Baka madapa ka. "

Gulat itong tumingin sa'kin. " Transferrie? "

Napasimangot ako. Anong transferrie?

" Hindi transferrie ang pangalan ko. Yanna. "

Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos tatawagin niya lang akong transferrie?

He rolled his eyes. " Whatever. " Sabi niya at ipinagpatuloy ang paglalakad pero this time, hindi na siya nagbabasa habang naglalakad.

Inilagay niya sa leeg ang headphone niya.

Sumunod ako sa kanya. " Ano ang binabasa mo kanina? " Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

" Huy, bingi ka 'ba? "

Hindi niya ulit ako pinansin.

" Saan ang punta mo? " Tanong ko ulit.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. " Are you a stalker? Stop following me. "

Natawa ako sa sinabi niya. Ang feeling naman nito.

" Kapal, hindi kita sinusundan 'no! Ang ganda 'ko namang stalker kung ganon. "

" Tsaka pupunta ako sa grocery, dito kaya ang daan. "

Hindi siya sumagot pero mas binilisan niya ang paglakad niya kaya mas binilisan ko din ang paglakad ko para mapantayan siya.

" So, Saan ka nga pupunta? "

" Grocery. " Maikling sambit niya.

" Talaga? Sabay na tayo. "

" I don't want to. " Masungit na saad niya.

Halos lahat 'ba ng nasa Section 13 masusungit?

Nang makarating kami sa grocery ay tinignan ko ang listahan na binigay sa akin kanina ni Tita.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now