Yanna's Pov
Namangha ako ng makita ang labas ng bahay nila Luhence.
Ang ganda, mukhang malaki.
Nakatingala lang ako habang pinagmamasdan ang bahay nila ng puno ng paghanga.
Grabe! Ang yaman pala ng kupal na 'to!
Well, mukha naman talaga siyang mayaman. Mukha pa lang at postura.
Pero hindi ko inaasahan na ganito!
" You look stupid. " Puna sa akin ni Luhence.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. " Ang yaman mo pala, penge ngang isang milyon. " Biro ko pa.
" Sure. "
Napalingon ako sa kanya ng sagutin niya 'yon.
Seryoso?
" Just be my girlfriend. "
Napatanga ako at napakurap-kurap. " H-Ha? "
Hindi ko malaman kung seryoso 'ba siya o nagbibiro lang.
But suddenly, He burst out laughing at pumasok sa bahay nila habang tumatawa.
Ay, parang ewan.
Sumunod na lang ako sa kanya dahil lumalakas na naman ang ulan.
Kung malaki na sa labas ay mas lalo akong namangha ng makita na ang loob.
Sobrang laki! May chandelier pa!
" Stop doing that. Mukha 'kang ignorante. " Sambit niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. " Ang laki ng bahay niyo, ah? Ang ganda. "
" Really? Do you want this kind of house in the future? "
Umiling ako. " Ayoko. Gusto 'ko sakto lang para atleast di'ba? Magkikita-kita pa rin sa bahay. Kapag ganito kasi kalaki, parang ang lungkot. "
Natahimik siya kaya liningon ko siya. " Nasaan ang parents mo? " Curious na tanong ko sa kanya.
" Luhence. " Lumingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses at bumungad samin ang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 30's.
Lumingon ako kay Luhence at dun sa lalaki. Malaki ang pagkakahawig nila.
" Who is this young lady? " Nakangiting tanong ng babae after that, she gave me a warm smile.
" She's my classmate, Mom. "
Nagulat ako. Mom? Ibig sabihin, nanay niya 'to?
" Oh, It's nice to meet you hija. Im Lerese, his mom. Just call me Tita. And this is Justine, his dad. " Pagpapakilala ng Mama ni Luhence.
Lumingon ako sa Daddy ni Luhence, halatang malaki ang katawan nito at hindi mapagkakaila ang angking kagwapuhan nito.
Nagtaka lang ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Nakatitig kasi ito ng mariin sa akin at walang mababakasan na ekspresyon sa mukha nito.
" Yanna po. " Pagpapakilala ko sa sarili ko at sinabayan ang pagtitig ng Daddy ni Luhence.
Mukhang nagulat ito sa ginawa ko, pero kahit ganun pa 'man ay hindi niya ito pinahalata. " Have we met before? " Tanong nito sa akin.
Umiling ako. " I don't think so. "
Pinakatitigan ulit ako nito, mukhang binabasa niya ako. " It's just that. . You're presence reminds me of someone. "
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...