Chapter 11

35 1 0
                                    

YANNA'S POV

Nkapahikab ako habang bagot na nakatingin sa teacher namin na nagtuturo sa harapan.

Bukod sa wala akong maintindihan, boring siya kung magturo.

Sa totoo lang, mas gugustuhin 'ko na hindi siya magturo kesa marinig ang matinis niyang boses.

" SECTION 13!! " Parang nagising ang diwa ko nang biglang sumigaw si Maam Marasigan.

" Are you even listening to me?! " Inilibot ko ang paningin ko at nakita 'kong busy sila sa kanya kanya nilang mga mundo.

Akala 'ko ako lang ang hindi nakikinig, sila din pala.

" Obviously not. " Si Lucas ang sumagot 'non. Nakasalubong ang dalawang kilay niya at mukhang kakagising niya lang mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Ewan 'ko din sa lalaking 'to, ginagawang tulugan ang school.

Wala na yata akong ibang nakitang ginawa niya kung hindi ang matulog ng matulog.

" What did you just said?! " Tinaas ni maam ang kaliwang kilay niya.

" Obviously we're not listening. Why? Because your teaching sucks. "

" You even wake me up from sleeping. " Dagdag niya.

" Y-You. . . ! " Nanggagalaiting sigaw niya habang nakaturo kay lucas.

" What? Am i wrong? " Tanong ni lucas sa buong klase. Agad naman silang nagsisagot.

" He's right! "

" Ang boring mo magturo! "

" Ang sakit pa sa tainga ng boses mo! "

Ayan ang kanya kanya nilang hinaing.

Marami pa silang sinabi na negatibong bagay tungkol sa pagtuturo niya.

Mukhang hindi na nakayanan ni maam dahil nagwalk out siya habang umiiyak.

Napailing na lang ako sa nasaksihan. Grabe, ilang teacher na kaya ang napaiyak nila?

Pagkatapos 'non ay umalis si lucas. Mukhang hindi niya makayanan ang kaingayan ng mga ugok.

" Ganyan siya pag nagigising, laging galit at ang sungit. " Sabi ni marlow sa'kin at ngumuso.

" Bakit 'ba palagi siyang tulog? "

Nagkibit balikat lang siya at tinalikuran ako.

Ano kayang dahilan?

Hindi naman sinasadyang napunta ang mga mata ko sa pinto at nagtaka ako nang makita ko ang isang babae na parang may sinisilip sa room namin.

Sino 'yon?

Lumabas ako at mukhang nakita niya ako dahil tumakbo siya.

Sinundan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Napahinto ako nang makarating ako sa 2nd floor. Napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang hingal.

Saan na nagpunta 'yon?

Lumingon lingon ako at nagulat ako nang biglang may humila sa'kin.

Siya yung babae kanina.

" Sino--- " Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.

" Shhh. "

Maya maya ay binitawan niya na din ako.

" Please, don't tell hiro. " Pagmamakaawa niya.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now