Chapter 7

70 2 0
                                    

Marlow's Pov

Totoo 'ba tong nakikita ko?

Si Yanna, na isang babae, nakikipaglaban sa sampung lalaki.

Sinabi ko na kasing umalis na siya at magtawag nalang ng tulong pero hindi siya nakikinig.

Muli akong ibinalik ang tingin sa kanila.

Sumugod ang isa sa kanya ngunit naiwasan niya ang paparating na suntok at hineadlock niya ito.

Wow.

" Waaaahhh! " Sinipa niya ang isa sa paa dahilan para mawalan ito ng balanse at pinagsasapak nya ito hanggang sa makatulog ang lalaki.

2 down, 8 to go.

" Matigas ka ah. " Sabi nung isa at sinugod si Yanna, papaluin niya sana ng kahoy si Yanna pero kaagad niya rin itong naiwasan. Kinuha niya ang kaliwang kamay ng lalaki at mukhang babaliin niya pa ito.

Napatingin ako sa likod niya dahil merong paparating.

Nanlaki ang mga mata ko. " Sa likod! "

Mukhang narinig niya naman dahil sinipa niya ang lalaking paparating sa kanya.

4 down, 6 to go.

Hindi ko pwedeng panoorin lang siyang nakikipaglaban ng mag-isa.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita 'ko ang phone ko na nasa lapag.

Kinuha ko ito at tinawagan si Pierce.

Naka sampung segundo bago niya ito sagutin.

" Oh? "

" T-Tulong. "

" Ha? Bakit ganyan ang boses mo? Tumatae ka 'ba? " Rinig ko ang tawa niya mula sa kabilang linya.

Gago!

" B-Bobo ka. Pumunta ka dito at b-binubugbog na kami ni Yanna. " Sabi ko habang nakatingin kay Yanna na nakaupo, napalo siya ng kahoy.

" Lagot ka sa akin ngayon. " Rinig kong sabi ni Yanna at pinaulanan ng sapak ang lalaki.

" Ano?! Nasaan kayo?! " Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng boses ni Pierce.

Bugbog na ako pero mukhang mabibingi pa yata ako.

" Sa likod ng building. " Pagkatapos 'non ay pinatay niya na ang tawag.

Napahawak ako sa ulo ko, Nahihilo ako.

Tinignan ko sina Yanna at dalawa na lang ang kaharap niya.

Nagsisimula na ring lumabo ang paningin ko.

Sign na 'ba 'to? Na mabubulag na ako?

Kahit na umiikot ang paningin ko ay nagawa ko pa ring panoorin si Yanna.

Unti-unting lumapit si Yanna habang ang mga lalaki naman ay nagsisiatras na.

" Mga mahihinang nilalang. " Pangiinsulto niya sa mga ito.

Tinitigan ko ang mukha niya. May sugat sa labi niya at may konti siyang galos sa mukha.

Pero ang ipinagtataka ko, paano niya nagawang patumbahin ang mga lalaki ng siya lang ang mag-isa?

Inambaan ni Yanna ngsuntok ang mga ito ngunit lakimg gulat ko nang magsitakbo sila.

" Mommy!! " Sigaw pa ng isa habang tumatakbo.

Ang Nag-iisang Babae sa Section 13Where stories live. Discover now