01

39 1 2
                                    

Art Hervin N. Tedesco

Quit

I quitted. Masama bang sabihin na hindi ko kaya at hindi ko kakayanin?

Dala-dala ko lang ang backpack ko, nakasout ng puting T-shirt, jeans, at sapatos. Hindi ko alam saan ako pupunta ngayon lalo na't wala akong pera. Masakit pa din ang katawan ko dahil sa mga pasa. Naglalakad sa syudad ng Baguio, gutom na gutom.

Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon, but I knew I was relieved the moment I made the decision. Before I was released, I went through a lot, nakarinig pa ng masasakit na salita, but I accepted all of those. I looked like no one walking in the city street.

May grupo ng mga babae ang nadaanan ko, nag-uusap, umiinom ng kape, and I looked at their phones. Lumapit ako kaagad sa kanila, kinapalan ang mukha. "Hi, kanina pa kita tinitignan, Ms. Ang ganda mo kasi, pwede ba makuha number mo?" Diskarte ko.

Parang hindi naman sila natakot sakin, kinilig pa nga. Itinulak pa itong babaeng maganda na naka damit ng blue na tube. "Go na te, gwapo oh!" Her gay friend said.

I also saw her reaction, she seemed like she was liking it. "Okay, where's your phone?" She asked. Naku! Englishera! Mukhang mayaman.

I scratched my head. "Naku! Low bat pala ako, number ko nalang ibigay ko sayo pwede?"

"Huh? Mr. Gwapo, do you think I would call you first, huh? Kahit na gwapo ka eh I don't do the calls first." She responded.

"Ah, pwedeng tumabi?" I asked. Kinilig ang mga kasamahan nya.

"Sige na teh urong ka na!" Utos ng mga kaibigan nya. I saw how she liked it too na kinukulit sya. Umurong sya kaya naupo ako sa tabi nya kaagad.

"Sige na oh, low bat kasi phone ko at tsaka I'm really attracted to you."

"Oh sige na nga, oh phone ko!" She said, handing me her phone. When she did that, sobrang saya ko.

"Yes, salamat!" Kinuha ko ito kaagad, typing my number on her contact. After I typed it, ito na ang chansa kong maghingi ng isang favor. "Ah, Ms. Beautiful, pwede ba makitawag? Magpapasundo lang ako sa kaibigan ko, low bat kasi phone ko eh."

She let out a sigh. "Oh sige, bilisan mo ha baka itakbo mo pa 'yang phone ko. I can't chase you pa naman dahil I'm wearing heels."

"Sus, ito talaga. Hindi ah, dito lang ako sa gilid, makikita mo lang oh. Magnanakaw na ba ang tingin mo sakin?!"

"Hindi!"

"Oh sige na, hiramin ko lang ha?"

"Okay, make sure you return it."

Tumango ako at agad na tumayo, pumwesto sa may railings.
Agad kong itinipa ang numero ng kaibigan ko. He was my best friend kaya alam ko ang numero nya, alam nya rin ang numero ko. When I dialled it, pinahintay pa ako. Tatlong beses pa akong nag try hanggang sa sinagot nito ang tawag kaya napalundag ang puso ko sa saya.

"Hello? Who's this?" He said from the other line.

"Pre, pre si Hervin 'to! Pre makinig ka, hindi ako nagbibiro. Nakihiram lang ako ng cellphone sa estranghero dito sa Baguio."

"Oy pre?! Anong nangyari? Bakit ka napatawag diba bawal dyan sa loob ng military?" Gulat na tanong nya na pabulong ito.

"Yun na nga, e. Lumabas ako,"

"Teka teka paanong lumabas? Diba hindi kayo nakakalabas?"

I let out a sigh at nakapamaywang nalang. "Pre, I quit. Hindi ko na kaya, kaya please makinig ka sakin, sunduin mo ako dito sa Baguio dahil wala akong ka pera pera, wala akong cellphone. Maawa ka sakin dahil kung hindi mo 'ko susunduin baka ewan ko, palaboy nalang ako dito." Hinihinaan ko ang boses ko dahil baka marinig ako.

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now