33

6 0 0
                                    

Art

M.D

I just finished the semester in Escolar University bilang college instructor, then after that I decided to leave Marci Alli for good. Nag apply ako bilang engineer sa kompanyang pinagtrabahuan ni Kuya Isaiah dahil may bakante. I tried to have a new life in Manila, sa Makati lang kami at nakatira pa rin ako sa nakatatandang kapatid ko.

Parang gusto ko din naman ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. I had the control over it. Gym, trabaho, party. Pero I limit myself from partying already since mas lalo ko lang naaalala si Isabela pag naka inom ako. Whenever I drink, mas lalong naging mabigat ang emosyon ko. It's not helping me.

Naghahanap lang ako ngayon ng polo at necktie para sa office. Hindi naman sa kulang ako sa budget, pero ewan ko ba bakit ako nagtitipid. I wanted to save money the moment I got in here. Natutunan ko din kay Kuya Isaiah to be equipped financially, I wasn't that pertinent about it kasi nagsisimula pa lang, pero kuripot din naman ako. Napapagastos lang pag inuman.

Nakita ko si Heterez, ang asawa ni Uno, na namimili rin ng damit para sa asawa nya. Nainggit nga ako eh, gusto ko rin naman mag-asawa pero parang hindi talaga para sakin.

"Maybe I could look for her, or I could help you. Total I go back and forth naman from one country to another." Sabi nya sakin habang kumakain kami.

I treated her to lunch, nakakahiya naman pag ako ang nilibre nya. Pero may binili syang pagkain na pinaghatian namin na sya ang nagbayad. Naikuwento ko kasi sa kanya ang sa amin ni Isabela kasi nagtanong sya kung kailan ako seseryuso.

Napaatras ang likod ko at isinandal sa backrest ng upoan.
"Huwag na, Heterez. Masaya na 'yon sa buhay nya, may asawa na 'yon. Tsaka ayoko nang guluhin pa sya. Wala rin namang silbi na pag nahanap sya dahil natupad na naman ang pangarap nyang bumou ng pamilya, 'yon nga lang hindi sa akin."

Nalungkot bigla ang mukha nya ngayon. She frowned when I confessed that. "Sorry to hear that. I didn't know ganyan pala pinagdaanan mo sa love life."

"Limang taon na din naman ang nakalipas simula noong bigla syang nawala kaya goods na. Naka move on na ako!"

Sinamaan nya ako ng tingin. "Are you sure na naka move on ka na?"

Nag-isip ako kaagad. Naka move on naba talaga ako? Or I was just pretending? May mga araw na okay ako, na nakakalimutan ko sya, pero pag mag-isa ako parang naalala ko ang lahat sa kanya at sumasakit ang dibdib ko.

"Kasi we have to acknowledge our own feelings. We don't have to lie to ourselves, Art. Eh ano naman ngayon if we're still in the process of moving on?" Dagdag nya.

Nakatingin lang ako sa pagkain ngayon. Hindi ko ma tansya kung naka move on naba talaga ako o wala? It's just the memories that kept hurting me, if I don't think of her, okay naman talaga ako. Ayoko lang syang maalala sa maraming bagay dahil alam kong hindi nakakabuti sakin.

"Ewan ko ba, Heterez. Hindi ko alam eh! Okay naman na ako, I'm starting to live life again pero hindi talaga maiwasang hindi sya isipin. Besides, ewan ko!" Napahawak nalang ako sa ulo ko.

Napabuntong hininga sya ngayon bago pa pinunasan ang bibig nya ng table napkin. "Nag try ka naman na naghanap ng iba? Or baka kasi hindi sya para sayo. These things happened because you're not meant for each other."

"Hindi ako nagbalak mag hanap ng iba. Pag may nilalandi nga ako parang labag sa kalooban ko eh dahil naiisip ko sya kaagad."

"Pag bumalik sya what would you do?"

Nagkibit balikat ako. "Para saan pa? Hindi na 'yon babalik no dahil masaya na 'yon sa buhay nya."

"What if nga?!"

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now