Art
Truth
(trigger warning// abuse, violence)
Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
——
"Bakit ka nandito?" Sinalubong ako ni Uno ng tanong.
Tumayo ako kaagad para magpaliwanag. "Uno, nag quit ako sa military. Hindi ko kakayanin doon, baka hindi ako abutan ng isa pang buwan pag nagpatuloy ako kaya umuwi ako."
It took him long to respond, it seemed like he was still thinking. "Ba't hindi ka umuwi sa bahay para malaman nila Lola na tumigil ka."
Napakalmot ako sa ulo ko, hindi alam ang gagawin. "Hindi ko kaya, e. Nag-iipon muna ako ng lakas ng loob."
"Umuwi ka na mamaya!" He authoritatively said.
"Uno naman, bigyan mo naman ako ng konting panahon."
"Umuwi ka, harapin mo si Lolo."
"Hindi ko pa nga kaya!" Galit kong sagot sa kanya. He walked out after that at hindi na nagpapigil sakin.
Hindi ko na rin alam ang gagawin ngayon kaya pinuntahan ko nalang si Inres sa canteen. Nag-iisip ako kung anong gagawin. Haharapin ko na ba sila ngayon? Hindi naman pwedeng tatago nalang ako sa mansion ng kaibigan ko palagi. Wala naman sigurong masama na magsabi ako ng totoo, na hindi ko kinaya ang military academy.
"Ako sayo makinig ka nalang sa pinsan mo, tama naman sya, e. Huwag mo nang patagalin pa 'to. Kung ano mang reaction o consequences, tannggapin mo nalang." Si Inres habang kumakain ng french fries.
Sobrang gulo na ng isip ko ngayon, iniisip ko pa lang ang reaksyon nila Lolo parang hindi ko na 'to kakayanin. Tama naman si Uno, dapat ay huwag ko na 'tong patagalin pa. Kung papatagalin ko pa eh baka mas lumalala lang. "Bahala na, harapin ko nalang 'to."
Natigil kami sa pag-uusap dahil itong kaharap ko, malagkit ang tingin nang makita si Thalia na dumaan kasama ang mga kaibigan nito. Binato ko sya ng isang pirasong fries dahil wagas sya kung makatitig sa babaeng gusto nya.
"Siraulo ka talaga!" I pronounced. "Akala ko ba ayaw mo na sa kanya? Ngayon titig na titig ka na naman?"
"Promise last na 'to." Palusot nya.
"Teka nga. Tang ina ano bang gagawin ko? Gulong-gulo na ang isip ko." Napahawak ako sa ulo ko ngayon, almost pulling my hair out of frustration. "Paano ko ba 'to sasabihin? Kay Lolo lang talaga, e. Sa kanya lang talaga ako takot."
His attention diverted me. "Kung ako sayo, aminin mo na."
"Paano nga?! Heh!"
"Ewan ko ba sayo sumasakit ulo ko sayo. Just tell them, magpakita ka, kung magalit edi magalit. Umuwi ka mamaya tapos pag ipalayas ka, text ka lang at sunduin kita. Sa amin ka muna tumira, sasabihan ko si mama at papa."
"Tol salamat ha? Pero tang ina talag, e." I was extremely frustrated habang iniisip pa lang ang mangyayari pag umuwi ako.
Gaya ng sabi nila, I decided to go home. Sumakay ako ng tricycle pa uwi sa amin sa East Coast, pag pasok sa crossing street at makita agad sa kalayuan ang East Coast Cafe restaurant namin. Hapon na ng napagdesisyonan kong umuwi, pero nawala ang kaba ko, nawala dahil tinanggap ko na ang mangyayari sa akin. Pagbaba ko ng tricycle harap ng gate namin, umupo ako when I saw my grandparents talking kaya napatago ako sa mayayabong na halaman sa may gate namin.