Art
Move On
"You better do something, dude. Hindi ba nasabi sayo ni Isabela? 2.75 grade nya sa major subject kahit na nagpasa sya sa lahat ng activities at hindi naka missed. Iniyakan nya pa nga ng sobra. Nagtaka nga mga kaklase nya eh, sya pinakamababa ang grado. Mukhang may gusto daw 'yon kay Isabela ang subject teacher. Highest pa nga daw si Isabela sa mga quizzes na 'yon at activity."
Umigting ang panga ko sa sinabi ni Dahn. Hindi nakarating sakin 'yang balita na 'yan. Nasa eskwelahan ako ngayon kasama si Dahn dahil magti-take kami ng special exam. Hindi rin sya nakapag take ng tatlong subjects nya dahil nilagnat ito.
"Talaga? Anong subject daw?" Tanong ko habang nagsasalubong ang kilay.
Nag-isip sya. "Accounting daw. Iyong Sir Jeff daw 'yong professor. Ewan ko ba!"
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ngayon at may namumoung galit agad ang naramdaman ko. "Saan mo naman nalaman 'yan?"
"Sa kaklase nya, in-approach ako."
"Ah, sige. Hayaan na natin 'yan, di rin naman bagsak 'yang 2.75 eh!" Kalmado kong sagot.
Natawa sya na parang nagalit ito. "Dude, I can't believe you! Nagkakalabuan na ba kayo ng kapatid ko?"
"Hindi naman. Basta, pre." I spoke up. "Tara na pasok na tayo sa exam room."
Sobrang daming subjects ang tinake ko, nakakalula, sasabog na ata utak ko sa mga majors namin. Buti nalang ang aming final projects ay by groupings, sinali naman ako sa mga kaklase ko kahit sobrang konti lang ang ambag ko. Little to none pa sa iba.
"Ano, tol? Mauna na ako ha? Susunduin ko pa si Julie, e." Tinapik ni Dahn ang balikat ko nang makalabas na kami sa examination room.
"Sige, tol. Uuwi na din ako ngayon!" Tumango ako at kalmadong sumagot.
Pumunta ako sa faculty ngayon, may dalawang professors lang. "Good morning po, Maam. Nandyan po ba si Sir Jeff?" Tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan muna sila. "Saan ba si Sir Jeff, maam?" Tanong nung isang teacher.
"Ang pagka-alam ko nasa room 301 sya ngayon. Doon sya tumatambay ata."
"Sige, Maam. Salamat po sa inyo!"
Agad akong pumunta kong saan ang Sir Jeff na 'yon. Sinuyod ko pa lahat ng rooms para masiguradong nandoon sya. Malayo-layo pa naman ang room 301, malapit na 'yon sa law school na building eh. Pag dating ko sa room 301, nandyan nga si Sir Jeff. Gusto ko lang maging kalmado ngayon, ayokong maging agresibo agad.
"Hmm? May kailangan ka, Mr. Tedesco?" He asked. Nasa desk sya ngayon nagla-laptop habang ang daming papers na nagkalat sa desk nya.
"Yes, Sir!" I smiled.
"Sige, pasok ka."
Pumasok ako kaagad at pumwesto sa harapan nya. Itinaas nya ang tingin at nagtanggal ng glasses. Kinakalma ko lang ang sarili ko ngayon, ayokong manapak agad.
"Ano ang kailangan mo, Mr. Tedesco?" Tanong nya.
I cleared my throat. "Bakit mo ginawang dos ang grado ni Isabela? Hindi sya naka missed ng quizzes at kung ano pa man 'yan. Pinagti-trippan nyo ba ang grades ng girlfriend ko?"
He let out a sarcastic laugh bago tumingin sa kabila. "Malay ko ba? Ako lang ang nagku-compute ng grades nya, Mr. Tedesco. Hindi ko alam bakit ganyan."
"Alam mo!" My voice raised a little.
"Whoah! Don't try to raise your voice at me, Mr. Tedesco. Who are you to do that? Isa ka lang 3rd year student, guro na ako."
Hinampas ko ang lamesa habang umuusok na ang galit ko. "Wala akong pake! Huwag mong pag trippan ang grado ni Isabela." Sobrang gulat ng mukha nya at nakaramdam ito ng takot. Napapalunok sa kanyang laway habang umakmang umatras sa upoan nya.