21

4 0 0
                                    

Art

Tired

Bakit kaya hindi makasagot si Isabela sa akin kapag nasasabi ako ng I love you sa kanya? Inisip ko 'yan nang papunta ako sa bahay namin dahil may ipinakuha si Lola sakin sa kwarto nila ni Lolo. Wala kasi sila Uno dahil may pasok sila. Tinawagan ko naman sila kaya pupunta sila pagkatapos, hindi ko alam papaano pero sila na ang bahala doon.

Hindi ko nalang inisip kung bakit hindi sumasagot si Isabela tuwing nagsasabi ako ng I love you. Ayokong problemahin 'yan dahil may problema kami ngayon. Pumasok na ako sa kwarto nila Lola para hanapin sa desk ang envelope na wala akong ka alam alam kung ano ito. Madali ko lang itong nakita kaya naglakad na ako papunta doon at kinuha ito. Bumalik na din agad ako sa hospital at hindi na tumagal pa.

"Mukhang hindi na ako aabot pa ng linggo, Amelia. Sobrang sakit na ng katawan ko, ayoko na ring humaba pa ang sakripisyo ko, ang sakripisyo nyo ng mga apo natin." Narinig ko si Lolo ngayon na nag-uusap sila ni Lola sa room dahil bukas ang pintuan.

I heard Lola was sobbing. "Sige, Anselmo. Tatatagan ko ang sarili,"

"Iyong binilin ko sayo. Iyong tatlo nating apo na graduating, may nakausap na akong mga kompanya na kukunin sila sa OJT nila. Nasa manual book ang listahan ng mga kakailanganin sa mga apo natin. Withdrawhin mo nalang sa banko. Si Adi at Isaiah dahil sila ang mauunang mag take ng board exam, binudgetan ko na sila ng pang review, kung pwede nga i-enroll mo sila sa review center. Si Uno naman, may para sa kanya rin pero pang libro hanggang 4th year lang sa law school ang kaya kong tustusan total andyan naman si Leonard."

Nanlamig ako sa naririnig ko ngayon at sumikip ang dibdib. Naawa ako kay Lolo. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Anselmo, bakit naman? Edi sana pinagamot natin 'yan? Kakayanin din naman natin magpaaral sa mga apo natin ah. Bakit mo ba ginagawa 'to?" Nagtanong si Lola.

"Kay Hervin may budget din ako sa kanya para pang OJT at pang review nya sa board exam. Talagang i-enroll mo 'yang bulakbol na batang 'yan sa review center dahil baka tatanga tanga 'yan sa boards, baka hindi makapasa."

Embes na nalungkot ako, natawa ako ngayon. Oo nga, I already expected naman na hindi talaga ako papasa sa board exam. Ang hirap na nga ng engineering tas papasa pa ako sa board exam? Mahirap. Hindi naman ako katulad ng mga kapatid ko na sobrang talino para maipasa ang board exam.

Pero ngayon bumalik ang sobrang kirot ng nararamdaman ko. Nakakapagod na maramdaman 'to. Sobrang nakakainis talaga pag nakakaramdam ako ng awa dahil hind ko alam ang gagawin.

"Oh, Hervin? Andyan ka na pala. Asan na ang pinakuha ko sayo?" Nagulat ako nang nasa harap ko na si Lola, pa labas sya ngayon. Medyo napa isip ako ng a little bit kaya hindi ko na namalayan na natapos na pala ang usapan nila.

"Ah oo, la. Eto na po!" Binigay ko sa kanya ang envelope. Tinanggap nya naman ito kaagad.

"Bantayan mo muna ang lolo mo dahil pupunta lang ako sa nurse station." Bilin nya kaya tumango lang ako ngayon.

Agad kong pinuntahan si Lolo na nakaupo sa wheelchair. Natakot ako sa kanya pero nawala ito nang maisip na para saan pa ang takot ko kung mawawala na sya? I needed to come closer to him, to at least spend time with him kahit konti man lang. Ngumiti ako sa kanya pero strikto lang ang mukha nya.

"Lo, kumusta na po ang pakiramdam nyo?" I asked kindly.

"Nagtatanong ka dahil gusto mo na akong mamatay, Hervin? Huwag kang mag-alala dahil malapit na." Sarkastiko nyang sagot. Napakalmot ako sa ulo ko.

"Lolo naman, ginagawa nga po namin ang lahat para lang manatili kayo dito sa amin eh. Hindi pa po ako handa lo na mawala ka,"

He sighed. "Paano ba 'yan? Hindi na ata ako abutan ng ilang araw."

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now