35

4 0 0
                                    

Art

Truth Hurts

"Oh? Kumusta naman ang health center?" Tanong ni Inres nang makarating sya sa bahay para sunduin si Ibra.

Napainom ako ng malamig na tubig ngayon habang nakatulala sa nangyari kanina. Parang piniga ang puso kong nakita sya, para ring naging masaya ito. It was like that.

"Tangina nakita ko si Isabela! Doktor na pala sya!" I spoke up while my heart still beat fast. Nilagok ko ang konting tubig sa baso bago pa man umupo sa upoan sa dining.

Nakita ko ang ngiti sa mukha nya. "Sabi nga ni Thalia, nakaraang araw lang daw ata sila nakarating dito. Nagvo-volunteer daw 'yan dito, e!"

"Gago, alam mo naman pala, e! Kaya ako pala pinasama mo kay Ibra!" I spat. Humalakhak sya at napahawak pa sa dibdib.

"So kumusta naman?'

"Nagtaka ako, tinignan ko kasi name pin nya, Ardiente pa rin apilyedo nya. Diba nga kasal na sya? Ano? Hindi nya dinala ang apilyedo ng asawa nya?" Para akong naghahabol ng hininga ngayon dahil sa kaba.

Nang makita ko sya kanina, parang nawala ang galit ko sa mundo. She still made me feel the same. Hindi ko nga alam ang gagawin ngayon, e. Hindi ko rin alam paano i-process na nagkita kami ulit. Ewan ko ba, paano ba dapat ako re-react?

"Baka walang asawa o baka nag divorce," Sagot nya habang nilalaro ang anak nya.

"Ang ganda nya pa rin, mas lalo lang syang gumanda ngayon."

"Sus! Bumalik 'yan dito para sayo!"

Napahawak ako sa ulo ko ngayon. "Babalik sya? Para saan pa? Ako babalikan nya? Eh anong silbi ng liham nya at mga litratong ipinadala? Tapos na ako sa kanya. Napakasakit ng ginawa nya sakin!"

"Tol, kalma!"

"Kalma? Iyong sulat nya sa akin 6 years ago sa December? Iyong mga litrato nya kasama ang asawa nya?!" Naging mataas ang tono ng boses ko ngayon pero nang makita si Ibra na nagulat, kinalma ko sarili ko.

"Tol, sorry. Biniro lang naman kita. Huwag kang mag strong!"

Agad akong lumuwas ng Maynila the same day na nagkita kami ulit ni Isabela. Bukas pa sana ako luluwas pero a part of me just wanted to leave, ayokong nasa iisang lugar kaming dalawa. Noong nagkita kami, tumutulo ang luha nya habang tinuturukan si Ibra, ewan ko kung para saan ang pag iyak na 'yon.

Bumalik lang lahat ng sakit ng nararamdaman ko. I remembered what she said in the letter, para bang naging isang parte lang ako ng character development nya para sabihing bata pa sya sa panahong gusto ko syang pakasalan. Sinauli nya pa sakin ang singsing.

Hindi ako makatulog sa gabi kakaisip sa kanya, tama ngang ayoko nang bumalik sa Marci Alli dahil nandoon sya. Tang ina kasi bakit pa sya nag volunteer doon? Ininom ko nalang ang sakit ng naramdaman ko! Sobrang sakit nang makita ko syang muli pero ang hindi ko maintindihan ay ang puso kong nagsasabi na mahal ko talaga sya.

"You seemed to be very distracted, Engineer Tedesco!"

Natauhan ako sa sinabi ni Architect Pelaez. "Sorry. Where were we again?"

Napabuntong hininga sya. "Anong masasabi mo sa design ko?"

Napatingin ako sa screen sa projector. "Masyadong OA naman ata ang pagka design ng balcony, Divine! Mahirap hanapin ang materyales nyan."

Napabuntong hininga ulit sya. "Yan ang gusto ng may-ari ng rest house. It must be unique!"

"Whatever. We have to consider the safety too kasi patagilid ang balcony dyan. I don't care if gusto ito ng may-ari, there's a lot to consider bago pa man gawin 'yan. Let's set up for a meeting as soon as possible about this kasama si Mrs. Tolentino to discuss kung anong gawin na minor changes."

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now