Art
Isabela
"Engineer Art Hervin Tedesco!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Isabela sa may dalampasigan habang naglalaba ako ng fishnets.
Hindi ako makahinga sa sinabi nya dahil umiiyak sya ngayon habang tinitignan ang cellphone nya. Para akong lumutang sa dagat habang naglalakad papunta sa kanya at iniwan ang fishnets. Tama ba ang narinig ko?
Ngayon ang pinaka kinakabahan kong araw dahil lalabas ngayon ang resulta ng board exam. Ginawa ko na ang lahat para ma distract ang sarili ko pero kinakain lang ako ng kaba habang naghihintay sa result boung araw. Wala akong maayos na tuloy.
"Art Hervin, I'm so proud of you!" When Isabela was crying so hard, I was nervous. "You passed the board exam!"
"Ano?! Sigurado ka, Maria Isabela?" Ngayon lang ako natauhan sa sinabi nya. Hindi ko kasi narinig ito kanina ng klaro kasi pangalan ko lang narinig ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at dinaluhan sya. "Sana naman hindi prank 'to!
Ibinigay nya sa akin ang cellphone nya habang nanginginig ang kamay nya. Ipinakita nya sa aking ang result. Halos sasabog na ang puso ko sa nabasa ko. Hindi ako makapaniwala. Napaka impossible nito.
Top 10
Tedesco, Art Hervin N. Escolar UniversityBiglang bumuhos ang mga luha ko at nanginig na lamang ang boung katawan ko. "Isabela?!" I screamed so hard out of happiness at niyakap sya ng mahigpit. "Hindi ako makapaniwala! Paano ko 'to ginawa?!"
Nag-iyakan kaming dalawa ni Isabela habang nagyakapan. Sobrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil ang gusto ko lang naman ay makapasa. Hindi ko naman pinangarap maging topnotcher gaya ng mga kapatid ko.
Pero I deserved it. Babad ako sa pag-aaral araw-araw. Hindi rin nagkulang si Adi sa pag review sa akin. Hindi ako makapaniwala, I already expected that I'll fail the board exam dahil nararamdaman kong sa ikalawang take ko pa lang ako papasa. Pero sobra-sobra pa ang natanggap ko.
Sobrang hirap ng exams, pero sure ako na nasagutan ko ito. Hindi lang ako sigurado sa mga sagot ko dahil parang hindi naman lumabas ang lahat ng pinag-aralan ko.
"Isabela, Art Hervin?! Anong nangyayari?" Biglang dumating si Lola ngayon na nagmamadaling pumunta sa amin. "Lumabas na ang resulta?!"
"La, nakapasa ako! Hindi ko in-expect!" I screamed out of happiness. Si Lola ay muntik na syang mapa luhod. Her knees seemed to be weak hearing that.
Bumitaw si Isabela sa yakap ko habang umiiyak pa rin at dinaluhan namin si Lola kaagad. "Jusko, Hervin! Ang galing galing mo!" Hinampas hampas pa ako ni lola habang naiiyak sya.
Nagyakapan kaming tatlo ni Isabela ngayon habang umiiyak. Sino bang mag-aakala? Ang gusto ko lang namang mangyari ay makita ang pangalan ko sa listahan, hindi 'yong nasa topnotcher dahil hindi ko naman ito pangarap. Hindi ako makapaniwala, tinignan namin ulit ito sa cellphone ni Isabela. Meron talaga, may pangalan ko sa topnotchers.
Sobrang saya ng mga kapatid ko dahil dito nang tumawag sila. Una sa lahat, I was so thankful of Adi for reviewing me. Hindi ko alam pero daig nya pa ang review center kung maka review sa akin. Super extensive. Palagi kaming nag-aaway dahil iniinsulto nya ako palagi, tas ang galing nya kung mag review sa akin. Marami syang techniques, marami syang paraan para maalala ko ang pinag-aralan ko. Marami rin syang naituro sa akin na hindi naituro sa college.
Dean was right, focus was the thing I lacked. The moment I set my full focus in the review without being certain to pass, I made things possible.
Isabela was also the best thing that happened in my life. She was the one who kept telling me not to doubt myself. She seemed so positive that I could pass. She was there since day 1.