05

12 0 0
                                    

Art

Intramurals

Pagkatapos ng training pumunta ako sa palengke para tumulong, sa isdaan namin. Nakabihis na ako ng puting t-shirt at blue na shorts.

Pagkarating ko sa palengke, bigla akong napagod siguro dahil sa ingay at dahil na rin galing sa training. Ewan ko ba bakit ang bilis kong mapagod. Nakita ko si Uno na nagkakarga ng yelo para sa mga paninda namin. Pumunta na ako kaagad sa fish stall dahil walang nagbabantay.

"Uy, Art? Naka uwi ka pala?" Si Buknoy, kakilala ko sa palengke at magkatabi lang din kami ng stall.

Ito talaga ang pinaka ayaw ko, ang tanungin about sa military academy. Pag nakikita ako ng mga tao, ito ang pa ulit-ulit na tanong. Lahat ng tao yata dito alam na pumasok ako sa military. The moment I passed the exam, ipinagsigawan sa lahat. Ibinalita pa sa munisipyo kaya nahihiya akong mag pakita. Kung pwede lang talaga magpaka buhay Prinsipe at hindi magpakita? Ginawa ko na pero kailangan kong tumulong sa negosyo. Dapat nga mag doble kayod ako eh dahil na disappoint ko ang karamihan.

"Oo, noy." Tipid kong sagot.

"Bakit? Diba kakapasok mo pa lang?"

"Basta, noy. Ipagpatuloy ko na ang kurso kong engineering dito."

Even in the engineering course, I did not choose that. Hindi ko nga alam anong gusto ko, e. Wala akong gusto, hindi ko pa alam sa ngayon. Napilit lang din ako ng mga Kuya ko na kunin ang engineering, hindi pa ako pumasa sa entrance exam noon kaya nag retake ako ulit at nagbayad ng 250 pesos. Buti nalang talaga pumasa ako sa inapplyan na course, that's engineering.

Pagkatapos ng 2nd year college ko, pinilit ako ni Lolo na mag take ng military entrance exam. Tinanggap ko naman agad na hindi ako papasa dahil malas talaga ako sa mga entrance exam na 'yan. I did not expect I would pass, mismo ako nagulat bakit ako nakapasa, at sana hindi nalang ako pumasa.

"Ha? Sayang naman, Art. Proud na proud pa naman ang Lolo mo sayo. Araw-araw lage 'yang pumupunta dito, ikaw lage ang bukambibig dahil ikaw daw ang susunod sa yapak nya."

Pagod akong ngumiti. "Wala, e. Mahirap. Kaya naman sa iba, hindi lang talaga para sakin. Hindi kaya ng katawan."

"Asus! Namimiss mo lang talaga mga babae mo dahil bawal mambabae doon!" He teased while laughing.

"Iyon nga, e."

Pagod na pagod akong nagbantay sa isdaan namin tapos umuwi na si Uno dahil mag-aaral pa ito. Ako may exams pa ako bukas, majors lahat. Ni isa wala pa akong na review. Dasal nalang talaga o mangopya nalang ako kay Samantha, kaklase kong matalino. Si Inres? Hindi rin 'yon nag-aaral kaya walang aasahan sa lalakeng 'yon.

Alas diyes ako naka uwi ng gabi, ang kinain ko nalang ay ang sandwich na binigay ni Isabela sakin. Masarap sya, halatang yayamanin ang tinapay na gamit.

I thought of how cute it was when she made me a sandwich just because I carried a chair for her. Isipin mo 'yon? Nag-isip at nag effort talaga syang gumawa ng sandwich para lang sakin.

Sa restaurant ako namin natulog dahil ako ang pinalinis. Pinilit kong mag study kahit isang major lang na subject pero hindi talaga kinaya kaya natulog nalang ako at nagising ng maaga. Kulang ang tulog ko dahil kinakailangan ko pang tulongan si Uno at Adi na salubongin sila para sa display sa isdaan. Nangisda kasi sila.

Bilib nga ako dyan kay Uno at Kuya Isaiah, e. Para bang hindi sila napapagod. Tamad ba ako o ano?!

Ayoko munang magpakita kay Lolo kaya inutosan ko si Uno na kunan ako ng damit, brief, pants. Sa restaurant lang ako naligo dahil mamayang alas diyes pa naman ang exam. Jeans, t-shirt na puti na may print, leather jacket, at sapatos. Iyan ang binigay ni Uno sakin.

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now