Art
Home
Nagising ako ng maaga. I could still remember everything, lahat lahat. I meant those words I said to her the time she was with me outside the campus. Ang pag halik ko sa kanya? Hindi kalasingan 'yon. Ang pag sabi ko ng I love you? Totoo 'yon.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sya sa sala na nakahiga sa couch. Naawa ako dahil hindi man lang sya nag kumot kaya umakyat ako sa taas kung saan ang kwarto ko para kumuha ng unan at kumot. Nagbihis muna ako ng t-shirt at sweatpants pagkatapos kong mag hilamos at mag toothbrush.
I covered her with the blanket at dinagdagan ang unan nya. She was still peacefully sleeping habang nasa kitchen ako na matatanaw lang din sa sala. I needed to make breakfast for the both of us. Wala naman akong hangover kahit madami ang nainom ko. Nagtaka nga ako. Nagsaing lang ako ng kanin at inilabas na ang mga ingredients na kinakailangan ko ngayon para sa breakfast.
Napatingin ako sa kanya ngayon. Buhatin ko kaya sya papuntang kwarto? Kawawa naman nasa couch pero baka magising kaya huwag na lang. Sinimulan ko na din ang pagluto para may makain na sya pag gising nya pero scrambled egg pa nga lang naluto ko, nagising na sya.
Napabangon sya kaagad at napatingin sa akin. I smiled at her. "Morning!" Panimula ko. Nahihiya syang ngumiti sa akin ngayon habang niyayakap ang sarili nya.
"Ah, sorry! Hinatid kasi kita tapos natakot akong umuwi sa dorm kasi gabi na tapos nakakahiya naman gamitin ko sasakyan mo kaya dito nalang ako natulog, sorry talaga Don't worry, I'll leave now."
"Ba't ka aalis?" Tanong ko habang inaantay ang spam na ma prito.
"Nakakahiya. Dito kasi ako natulog!" Nagkamot sya ng ulo nya at nahihiya pa ito.
"Ba't ka naman mahihiya, Isabela? Dito ka na din naman titira!" I told her while smiling then I winked.
Nagulat sya sa sinabi ko kaya sya napatayo. "Ano? What do you mean by that?" She asked at tumayo at naglakad papalapit sa akin. May bahid ng ngiti sa kanyang mga labi ngayon.
"Bakit? Ayaw mong tumira dito sa bahay kasama ako?" Seryuso kong tanong. She stood in front of me sa countertop.
"G-gusto!" Nahihiya nyang sagot.
"Oh, 'yan naman pala, e!"
"Pero bakit tayo titira sa isang bahay? Anong meron?" She acted clueless. Sus!
"Sinasagot na kita, ayaw mo non?" I seriously responded bago pa tikman ang hinanda kong sawsawan. I said it like it was just nothing. Her eyes were filled with amusement right now.
"Oh my God? Are you serious? You mean sinasagot mo na ako like we're already in a relationship again? Like we can say I love you freely already? We can kiss and do such things?" Tanong nya, manghang-mangha.
Natawa ako sa kanya. Kahit umaga, sobrang ganda talaga nya. "Oo sinasagot na kita, marupok ako sayo, e!"
"Oh my God!" Sumigaw sya sa saya at agad na nagmadaling tumakbo sakin at hindi na na kontrol ang sarili kundi niyakap na nya ako ng mahigpit sa gilid.
"Oops! Pero huwag ka munang mag sabi ng I love you sakin!" Sabi ko at hinarap sya. Nakayakap pa rin sya at inangat ang tingin. Nagsalubong ang kilay nya.
"Huh? Bakit naman?" She frowned.
"Eh kasi nahihiya ako." I scratched my head.
She did an eye roll which caught me off guard. "Eh nagsabi ka nga sakin ng I love you kagabi ah, sinagot kita. Baka sa kalasingan mo lang 'yon!"
"I meant those words I said last night. I could remember everything, dear!" I smiled sweetly. Her hands were wrapped around my lower back now while she still raised a look at me.