Art
Rival
Umalis na din ako kaagad pagpasok ni Isabela sa loob ng bahay nila. Nadaanan ko pa mga kasamahan ko fraternity sa plaza nagtatambay kaya I dropped by muna.
"Ikaw ha! Anak ni Cong na naman target mo ha!" Salubong agad nila sakin. Hindi na ako bumaba ng motor dahil aalis lang din naman ako.
"May ginawa lang kaming project. Kaklase ko kasi sya!"
"Sus! Baka ibang project 'yan!"
"Sira! Huwag nga kayong ano dyan, ang dudumi ng mga utak nyo ah. Sige na alis na ako baka uminit pa ulo ko!"
"Grabe talaga kamandag nitong si Art Tedesco, inangkas agad anak ni Cong. Kung si Dustin nagpa-plano pa na ligawan si Isabela, si Art naman inangkas na."
Biglang nawala ang mood ko sa sinabi nila. Dustin Tan? Mechanical Engineering na third year, kasama ko sa basketball, MVP at Capt. Ball.
"Tumahimik nga kayo! Ba't ba ang bastos nyong magsalita? Lahat nalang talaga binibigyan nyo ng meaning, e." Galit ang tono ko.
"Brother, relax!" Tinapik ni Joshua ang balikat ko.
"Nagpaplano? E diba nga nagkakamabutihan na si Dustin at Isabela? Sabi kasi ni Dustin na nakuha nya number nito kay Dahn."
"Alis na ako!" I informed them.
Hindi na ako nagtagal, agad na akong umalis baka uminit ang ulo ko at baka saan pa mapunta ang usapan. Si Dustin nanliligaw? Parang hindi naman ata nasabi ni Isabela sakin 'yan ah? Tsaka sino ba ako para sabihan nya? Mapait ang mood ko ngayon nang bumalik sa cafe. Agad akong bumalik sa trabaho ko para i-distract ang sarili.
Nagpupunas ako ngayon ng mesa habang naiisip parin ang sinabi ng mga kasamahan ko sa frat. Mayaman si Dustin, taga syudad 'yan pero may apartment 'yan dito na binili para maging varsity lang at aalis na nga yata 'yan next year eh dahil kukunin sa UAAP. Eh ano naman ngayon kung mayaman? Sabi ng iba gwapo din.
Tumigil ako sa pagpupunas at napa-isip. "Hay naku, Maria Isabela!"
Alas diyes na ng gabi nang nagsara na ang aming cafe. Kasama ko si Inres ngayon at Uno na nagbibilyard dito sa likod. Naka stand by lang ako sa gilid habang hawak ang cue stick at cellphone ko. Naka anim na missed calls na ako, hindi pa rin sumasagot si Isabela.
"Tingin nyo bagay si Isabela at Dustin Tan?" I just randomly asked. Umiinom din kami ngayon ng konti. Si Uno na ang nagsasargo ngayon, si Inres naman naka-abang lang.
"Bagay!" Si Uno, direkto ang sagot nito. Humalakhak si Inres ngayon.
Hindi ako mapakali. "Baka ka tawagan nya si Dustin." In a low tone, I said.
"Pre, sobrang halata mo na. Huwag mo na 'yang itago. Alam na namin na gusto mo si Isabela!"
"Hindi ah," I denied. Bahala kayo dyan mag-isip.
"Sarap ibato sayo itong bola." Sagot nito na naiinis na.
Stressed na stressed na ako ngayon na nakatingin lang sa cellphone, hinihintay ang reply ni Isabela. Baka kasi natulog na sya dahil alas diyes na ng gabi, mukhang hindi naman 'yon nagpupuyat na babae dahil halata sa mukha nya at balat nya na sobrang blooming.
"Sus, deny pa." Uno spoke matapos hindi maipasok ang tira nya. "Oh ikaw na!"
Inilagay ko nalang sa bulsa ko ang cellphone ko at pumwesto na para ako naman ang sasargo. I stretched my arm to find a good hit, to perfectly shoot it pero wala, hindi ako makapag focus.
"Pag ma i-shoot mo 'yan kayo ang bagay ni Isabela, pag hindi? Sila ni Dustin ang bagay." Inres was again with his immature things.
"Dustin for the win!" Uno even cheered sa gilid matapos inumin ang shot nya.