Art Hervin
Game
I somehow felt guilty of what I did, mukhang natakot lang sya sa ginawa ko. Napaisip din ako sa ginawa ko, ayokong bumalik sa panahong kung sino-sino na lang ang nakikipagsapakan sakin. Kanina, namou ang galit ko dahil sa narinig ko.
Alam ko namang hind totoo eh ano naman ngayon kung nag motel? Kasalanan ba ni Isabela that her privacy was invaded? Kasalanan ba nya that she was manipulated by a grown ass man? Wala syang kasalanan, nasira lang ang buhay nya dahil sa ibang tao.
Pag uulit pa 'yong mga 'yon lagot sakin talaga!
May nag text sakin kaya binasa ko ito. Wala pa rin akong planong umuwi ngayon, naka tayo lang ako sa gilid ng gate. Hindi ko alam saan ako uuwi kahit na pinipilit na ako ni Lola na umuwi, nahihiya na rin kasi ako kanila Inres. Palamunin lang ako doon pero tumutulong naman ako kahit sabi ni Senyora na huwag akong pagtrabahuin.
From Eloise:
g ka ba for tonight? na miss ko na init ng katawan mo :(
Natawa ako sa text nito at binalewala na lang. Last year lang ako tumigil sa ganto. Eloise was my fubu, it lasted for 2 months lang. Pareho lang kami ng gusto, it was just about fucking each other set up. No strings attached. Bilib nga ako dyan, e. Hindi talaga nafa-fall dahil palaban. Pero itinigil ko na, ayoko na sa ganoong set up, super complicated, at parang sobrang makasalanan ko na dahil kung sino-sino nalang ang nilalandi ko. Aware naman ako sa ginagawa ko kaya I limit myself with girls these days na.
Napapasabi nga ako na baka ang nangyayari sa buhay ko ngayon ay kabayaran sa mga sakit ng ulo na binigay ko sa mga babaeng naging girlfriend ko.
Gabi na nang matapos ako sa trabaho ko sa restaurant. Kasama ko si Lola ngayon, magkatabi kami na nakaupo sa kawayan na upoan kaharap ang dagat at maalon nitong tubig. Maingay ang dagat ngayon kahit medyo malayo na ito, ang hangin din ay sobrang lamig.
"La, sorry talaga ha? Hindi ko kasi nakayanan talaga doon, La. Sumasakit nga dibdib ko pag nakikita si Lolo, e. Para kasing pinaasa ko lang sya, pinaasa ko lang kayo, La."
Lola smiled at me as she held my hand. "Hervin, kinakausap ko ang Lolo mo naman para ipaintindi sa kanya ng dahan-dahan anong nangyari. Sinabi ko ang totoo, iyon medyo nakalma sya. Mas mabuti ngang umuwi ka."
"Ewan ko ba, La. Mas mabuti nalang talaga pag hindi ko nakikita si Lolo, sumasakit ang dibdib ko lalo na't matanda na sya, at may sakit pa sya. La ang sakit, ang sakit na makita syang hindi nakakalakad ng maayos." Naging emosyonal na naman ako.
Si Lola ay naging emosyonal din ito ng konti, pero pinipigilan nya lang ang sarili nya. Ayokong maalala ang hapon na umuwi ako dito, iyong hinampas ako ni Lolo at nagmadali syang umalis habang hindi sya gaanong nakakalakad. Ewan ko ba bakit ni kahit isang beses ay hindi ako nagalit ni Lolo, kahit na he was abusive at nakakatakot, hindi ko parin nakuhang magalit kahit na sobrang daming rason para magalit ako sa kanya.
"Hervin, konti nalang ang oras ng Lolo mo dito. Sinabihan na kami ng Doctor na mahigit dalawang buwan nalang ang natitira sa kanyang pananatili dito. Kaya, hayaan nalang natin syang magalit, alam ko namang mahal ka nyan, mahal nya kayo."
Hearing that pierced my heart painfully. Sa gulat ko, napatayo ako. "La, huwag naman po kayong mag joke. Anong mahigit dalawang buwan?!"
As her tears started falling, trying to stop it, para akong mabaliw sa sinabi nya. Kahit na ganyan si Lolo pero hindi pa ako handa na mawala sya, parang habang buhay kong pagsisisihan 'to.
"Hervin, hinahanda na namin ang sarili namin kaya mag handa ka na rin. Iyang Lolo mo, sinasabi lang nyan na dadalhin nya ang galit nya hanggang sa sumakabilang buhay sya pero mahal non, lalo ka na."