41

3 0 0
                                    

Art

Samgyup

"Naghahanap na si Mr. Sanchez sayo tungkol sa project sa Hong Kong, Engr. You need to be here." Si Cynthia, secretary ng boss namin.

"I'll be there, Cynths. Mag-attend muna ako ng seminar para sa kasal namin ng magiging asawa ko-"

"Ano?! Ikakasal ka na, Engineer?" Sigaw nya sa kabilang linya dahil sa gulat. I let out a chuckle while swinging my swivel chair. Nilingon ko si Isabela, tulog pa ito.

Alas diyes na ng umaga nang magising ako. Sumakit ang likod ko ngayon kaya nag stretching muna ako kanina.

"Oo, Cynths. Don't worry after the seminar I'll book a flight right away."

"Sige po. Best wishes nalang po! Taray nito ni engineer nag alumni lang ikakasal na." Bulong pa nito pero narinig ko pa rin.

In the afternoon, alas tres na kami nakarating sa kumbento para sa seminar. Ang payapa sa kumbento, ang tanging naririnig lang namin ay ang huni ng ibon, ang aming mga yapak, at ang mga mahihinang boses ng mga nasa kumbento. Amoy usok din ng mga tuyong dahon dahil may nagwawalis.

"Kinakabahan ako!" Isabela started.

"Seminar lang 'yan, ikaw si Isabela Tedesco," I replied with humor. Nagkahawak kami ng kamay ngayon.

Ano bang iniisip nitong si Isabela at bakit ba sya kinakabahan eh seminar lang naman 'to tapos canonical interview.

"Art, hali na kayo kanina pa ako naghihintay sa inyo!" Si Auntie Miraflor, sya ang sekretarya ni Father nang makasalubong nya kami.

"Magandang hapon po, sige po!" Sagot ko sa kanya.

Pumasok kami sa secretary room at umupo sa upoan kaagad. Si Lola ang nag contact kay Auntie, tinext ko kasi si Lola kagabi nang magpahinga kami after sex kaya kinaumagahan sinabihan ako ni Lola na pumunta sa kumbento.

"Art and Isabela, mabuti naman at ikakasal na kayo. Bibigyan ko kayo ng questionnaire na sasagutan nyo muna. Asan ang 2x2 I.D pictures nyo?" Umupo si Auntie sa upoan nya habang may dalang 3 pages questionnaire.

"Eto po, Maam!" Agad na kinuha ni Isabela ang 2x2 pictures naming dalawa na kakakuha lang kanina namin bago kami pumunta dito. Ibinigay ito ni Isabela sa kanya.

"Ganda naman pala ni Isabela. Ngayon lang kita nakita, hija. Narinig lang kasi kita sa speech ni Art noong guest speaker sya sa Escolar University, na mentioned ka nya." Sabi nya habang inabala ang sarili sa pag staple ng questionnaire. Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi nya.

Si Isabela ay napatingin sa akin. "Totoo?" She asked. Tumango lang ako.

"Oh, sagutan nyo muna 'to at pagkatapos nito ay sasamahan ko kayo ni Fr. Roel para sa canonical interview." Binigay ni Auntie ang 3 pages questionnaire. 

Sinagot namin ito ni Isabela, I was smiling while answering it. Hindi lang ako makapaniwala na ikakasal na kami. Akala ko kasi wala nang pag-asa kaya labis nalang ang kasiyahan ko sa ginagawa ko ngayon. Katabi ko lang sya habang sumasagot rin. I couldn't mind my own paper since I kept glancing at her. Gusto kong basahin mga sagot nya.

Nakita ko na ang nilagay nyang maid of honor ay si Thalia, at ang nilagay ko naman na best man ay si Inres.

Nang matapos kami sa questionnaire ay ipinakilala na kami ni Auntie kay Fr. Roel, sinamahan nya kami sa opisina nito at iniwan nya na rin kami.

"So, good afternoon sa inyong dalawa, future Mr. and Mrs. Tedesco!" Si Father nang maupo kami sa upoan kaharap nya.

"Good afternoon po, Father!" We greeted him back. Hindi ko na maipaliwanag ang excitement kaya sobra nalang ang ngiti ko ngayon katabi si Isabela na kaswal lang. Para akong tanga.

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now