11

9 0 0
                                    

Art

Smile

"Oh, buti naman nakabalik ka! Ang saya ko!" Nakasalubong ko si Inres papasok ng gate, lumabas din ito agad nang lumabas ako.

Madaming estudyante ang nasa labas, nasa plaza bumibili ng pagkain kaya nag lakad kami papunta doon. "Nakarating kasi si Kuya Rafael kasama ang pamangkin kong si Heterez."

"Ah, ganun ba? Pre, pasado tayo! Dos at tres na naman!" Sobrang saya ko ngayon dahil wala akong bagsak. Nanlake mata nya sa tuwa.

"Seryuso? Yes!" Sobrang saya nya rin at kinuha na grado nya. Nag-apir pa kami nito. "Sinabihan ko na kaagad si mama kanina na bagsak ako sa isang subject kaya labis na lang ang pagka galit nya."

"Siraulo ka talaga bakit mo naman sinabi?" Natatawa kong tanong.

"Bro, para mabilis silang maka move on. Ang ganyang mga bagay dapat hindi tinatago, hindi pinapatagal."

"Eh ang feelings mo ni Thalia bakit?" Asar ko sa kanya.

Natawa sya. "No comment."

Patuloy na naglakad sa perfectly trimmed green grass papuntang cemented platform kung saan ang mga nagbebenta ng pagkain.

"No comment? Hindi ka naman ganyan, Inres. Ba't ba pagdating kay Thalia parang ang hirap mong kumilos? Bilis mo naman dati sa iba ah."

"Ewan ko, natatakot ako sa kanya, e."

Sinuntok ko ang braso nya. "Siraulo, tiklop pagdating kay Thalia eh."

"Talaga!"

Hindi naman nakakatakot si Thalia para sakin, sobrang mabait naman nyan. Baka nang dahil sakin kaya nakakatanggap si Inres ng parehong trato, nagiging maldita sya, but she was more calm to Inres than mine. Wala naman akong pake anong trato nya sakin, di naman nagma-matter 'yon, ang magma-matter ang trato nya sa kaibigan ko.

"Pre, baka pwede mo kunin number ni Isabela." Utos ko sa kanya. Nasa harap na kami ngayon ng mga panindang street food.

"Bakit ko naman kukunin?"

"Para sakin." Simpleng sagot ko at bumaling sa tindera. "Te limang fish ball nga!"

Ibinigay ko kay Ate na nagbebenta ang bayad ko at nagsimula nang mag tusok-tusok ng fish ball gamit ang barbecue stick. Ginaya din ako nitong kaibigan ko.

Ewan ko ba, hindi ko alam bakit gusto kong kunin ang number ni Isabela pero para bang may gusto akong patunayan sa kanya. Iba ang nararamdaman ko sa kanya, ibang-iba sa mga babaeng attracted ako. Lage ko syang hinahanap pag sa skwelahan, and it was very unlikely for me to be like this kasi hindi naman ako ganito.

Siniko ako ni Inres at pa asar na tinignan. "Uy? Baka nagkakagusto ka na dyan kay Isabela ha? Bakit mo ba hihingin number nya?"

Siniko ko rin sya. "Sira! Paano natin sya maku-contact bukas? Mas maganda na 'yang may contact tayo sa kanya para alam natin kung papunta na sya o hindi ba sya pupunta."

"Eh bakit hindi ikaw ang kumuha?" Isang tusok lang ginawa nya sa fish ball at hinipan pa ito bago kaininin.

Isinawsaw ko sa sauce ang limang pirasong fish ball, nagsalita muna ako bago ko ito kainin. "Nahihiya ako, e."

Humalakhak sya ngayon. "Nahihiya ka pala? Eh ibang babae nga dyan wala kang hiya kung lumapit para kunin ang number."

"Sige na kunin mo nalang."

"Sus! Alam na kita, tatawagan mo 'yan mamaya tapos iti-text mate."

"Hoy hindi ko ugali 'yan ah!" I denied habang nginunguya ang kinakain ko. Bumili din ako ng palamig, panulak nito.

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now