19

8 0 0
                                    

Art

Girlfriend

Sobrang saya ko ngayon matapos ihatid si Isabela sa eskwelahan. Hinatid ko pa sya sa room nya pero wala silang professor kaya hinatid ko ulit sya sa library dahil gusto nya doon. Hindi ako makapaniwala na girlfriend ko na sya. I actually thought I would wait for 2 years, I was shocked when she said she wanted to be my girlfriend already.

Pumunta na din ako sa room namin kung saan ang klase namin dahil hinihintay na ako ni Inres. Habang naglalakad ako ay nag in-update ko ang facebook status ko kaya dumagsa agad ang comments. Natatawa ako habang naglalakad papunta sa room.

"Totoo? Kayo na?" Sinalubong ako ni Inres nang maupo sa upoan ko katabi nya. Nangingiti pa rin ako hanggang ngayon.

"Kami na nga, sinagot nya na ako kanina."

Napatakip sya sa bibig. "Ang bilis ah. Akala ko after 2 years kapa nya sasagutin gaya ng sinabi ni Dahn."

"Akala ko nga rin eh. Nagulat talaga ako!"

Hindi talaga ako makapaniwala na may girlfriend na ako. Iba ang excitement ngayon na sya ang girlfriend ko, it felt like a breath of fresh air. Ewan ko ba parang mababaliw na ako nito, hindi ko alam anong gagawin.

I'll do my very best for her, I'll do anything.

"Mas nauna pa kayo talaga ni Isabela kesa samin ni Thalia!"

Sinuntok ko ang braso nya at natawa. "Very unexpected. Hindi ko alam na pag labas ko ng military ay magkaka girlfriend ako. Kaya ligawan mo na kasi si Thalia."

He let out a laugh. "Pare, niligawan na nga diba? Pero ano? Basted. Tatlong beses na akong na basted, pare. Iba ang gusto nya, foreigner."

"Eh may lahi ka namang Spanish ah!"

Humalakhak sya. "Siraulo ka talaga! Baka kayo!"

"Pero I'm so proud of you dahil girlfriend mo na ang crush mo. Ang bilis mo ah!" Tinapik nya ang balikat ko.

"Sabi kasi ni Isabela gusto nya rin ako, nahihiya lang sya. Cute nga, e. Buti nalang nag first move ako. Pero nakakagulat talaga. Alam mo kagabi? I even prepared myself na after 2 years dapat licensed engineer na ako nyan para naman may maipagmalaki ako, para naman masabi nyang Engineer na ang boyfriend nya pero wala eh sinagot ako agad."

Siniko nya ako ngayon. "Ses! Iba talaga."

Sa uwian na, susunduin ko sana sya sa room nya pero sabi nya maghintay nalang ako sa field kaya kasama ko ngayon si Inres, palakad din ang Kuya nya sa amin na sinasamaan ako ng tingin. Pero alam ko namang nagjo-joke lang sya.

"Hawakan mo 'yan. Hawakan mo 'yan!" Inutosan nya si Inres kaya hinawakan ni Inres ang magkabilang kamay ko. "Hawakan mo dahil uupakan ko 'yan!"

Natatawa kaming tatlo ngayon. Nang makarating sya sa harap namin, nagkunware syang sinusuntok ang tiyan ko.
"Girlfriend mo na pala ang kapatid ko ha! Uupakan kita, uupakan talaga kita. Huwag mong halikan agad, huwag mong akitin agad!"

Labis nalang kaming natawa habang patuloy akong sinusuntok na nakaupo lang sa bench. "Aray! Aray! Ano ba 'yang iniisip mo."

"Pre, kilala mo ako. Kilala kita! Kaya hawakan mo 'yan, Res. Hawakan mong mabuti at itali natin 'to!"

"Sige suntokin mo dahil girlfriend na nya ang kapatid mo."

Nakikiliti ako ngayon sa ginagawa nilang dalawa dahil kinikiliti ako nitong si Dahn. Sinusuntok suntok pa eh hindi na 'to joke ang suntok nya eh dahil masakit na, sinapak pa ako.

"Aray! Tangina ang sakit ha!"

"Wala akong pakealam!" He jokingly said, si Inres halos hindi na makahinga sa kakatawa.

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now