Art
Worry
Umupo ako sa tabi nya matapos kong linisan ang paa nya at ang tsinelas nya. Nagulat na lamang ako nang makitang hinawakan nya ang kamay ko at kinuha nya ito. Pinunasan nya ang kamay ko ng kanyang panyo. Ang pagkahawak nya sakin ay kalmado, at may nararamdaman akong kakaiba sa ginagawa nya. Napatingin ako nito at biglang nangiti na lamang.
"The other one please." Malumanay nyang utos. Ibinigay ko sa kanya ang kabilang kamay ko at mas lalo lang nangiti.
Kaya ko namang patuyuin ang kamay ko pero parang mas gusto kong hinahawakan nya ito. Ang kamay nyay sobrang kinis at maputi, it was so soft too. Halatang walang ginagawa sa bahay nila. Hindi gaya ng kamay kong magaspang.
Tinitigan ko sya habang hindi nakatingin sakin, alam ko kung ano 'tong nararamdaman ko. Hindi na dapat ito tinatago pa o dini-deny. Gusto ko sya, gustong gusto. Parang maging mahal ko na nga sya eh pag hahayaan ko lang ang sarili ko.
Maria Isabela Tedesco. Sobrang bagay, nasa isip ko 'yan hanggang ngayon. Nang sinabi nya sa akin na naisip nya ako sa mga oras na 'yon parang alam ko na kung saan ako lamang kay Dustin. Haha!
"Tara na baka hinanap ka na ni Thalia-"
Natigil ako nang makita si Thalia at Inres na naglalakad papalapit sa amin kaya nag akma akong magtago pero nakita na nila ako.
"Huwag ka nang magtago, Art! Kitang-kita na kita sa pagbuhat mo pa lang kay Isabela kanina." Nagsalita si Thalia kaya napakalmot ako sa ulo ko.
Napatayo si Isabela ngayon na takot na takot. "Ate Thalia sorry."
"Thalia, huwag mo naman sanang takutin ang alaga mo. Wala naman kaming ginagawang masama at isa pa dinala ko sya dito kasi-"
"I slipped through the mud then my sandals got stuck there kaya dinala nya ako dito, Ate. Also hinugasan nya ang paa ko!" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla syang sumabat. Tumayo ako ng tuwid sa tabi nya ngayon.
"Mabait 'yang kaibigan ko, Thalia. Ang nakikita mo lang kasi ay kung paano sya makipag usap sa mga babae pero mabait 'yan. Wala 'yang intensyon na masama sa alaga mo!" Seryusong nagsalita si Inres. Natawa ako sa kanya kaya pinipigilan ko ang sariling hindi matawa.
Walang sinabing isang salita si Thalia ngayon, hindi ko ma tansya kung galit ba sya o hindi. She looked calm na para bang wala syang iniisip ngayon.
"Ate Thalia, I can't take this anymore. Huwag nyo naman po sana kaming pagbawalan na magkasama ni Art. Mabait silang dalawa ni Kuya Inres sakin."
Nasa harap na silang dalawa namin ngayon. Itong kaibigan ko naman may sinasabi ang kanyang mga mata kaya natatawa ako. Sarap batukan. Pero mas ikinagulat ko na magkasama sila. Paano nya nalapitan ang crush nya.
Sinamaan ako ng tingin ni Thalia nang mahalatang may sinisenyas sa kanya kaya biglang sumeryuso ang mukha ko. "Sana naman huwag mong igaya si Isabela sa ibang babae mo."
"Hindi ah." Depensa ko kaagad.
"Sus! Ewan ko nalang. Hali ka na, Isabela. Umuwi na tayo." Hinigit nya na ang palapulsuhan nito pero nilingon ako ng alaga nya na para bang may nais itong ipahiwatig.
"Iti-text kita, Isabela." I spoke in a gentle tone. Ngumiti sya sa akin pero nilingon ako ni Thalia at sinamaan ng tingin.
"Sige, alis na kami. Thank you!" Bilin nya bago pa man tuluyang nag lakad kasama ang Ate Thalia nya. Parang sinesermonan pa sya nito.
Sinundan namin sila ng tingin ni Inres hanggang sa mawala na sila sa paningin. "Paano mo nalapitan si Thalia?" Nag tanong agad ako at nag high-five sa kanya.