Art
Moving
Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam kung uusad na ako. Ang hirap umusad lalo na't hindi ako naliwanagan sa mga nangyari. Bigla nalang nawala ang mga Ardiente sa Marci Alli. Hanggang ngayon parang panaginip lang ang nangyari sa amin ni Isabela. Kahit dalawang taon na ang nakalipas, nagluluksa pa rin ako.
It was said that she married someone else para sya ang kabayaran ng utang ng daddy nya nang matalo ito sa politika kaya ito ipinakasal. Hindi ko alam kung saang lupalop sya ng mundo.
Sa dalawang taon, puro pagluluksa ang ginawa ko. I came back with my bad habits. I stopped working as an engineer. Bumalik ako sa pagmo-motor, it was somehow my way to de-stress. Pangingisda, motor, at palengke.
"Congrats, tol! Sabi ko naman sayo eh. Ikaw pa! Sus, grabe talaga 'yang brain mo." Sinuntok ko ang balikat ni Uno matapos itong maka pasa sa bar exam.
Top 2 sya sa bar exam, sobrang talino talaga. Pinakamahirap kaya ang bar exam kaya proud na proud ako sa kanya.
"Chamba lang." Sagot nya at nag high five sa akin.
Ang dalawang kapatid ko na si Isaiah at Adi ay patuloy pa ding nagtatrabaho sa malayong lugar habang kami ni Uno at Marco ang naiwan dito sa Marci Alli kasama si lola.
Everything happened for a reason, 'yan ang naiisip ko. Kung hindi ako tumigil sa trabaho, baka matagal nang nagsara ang isdaan at cafe namin.
Sa dalawang taon maraming nagbago, pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko kay Isabela.
Hindi ko na din narinig ang pamilya nila, wala din namang balita na na missing sila. Siguro kagustohan lang nilang mamuhay ng pribado at ilayo si Isabela sa akin para ipakasal sa iba. May mga gabi pa rin na tinatawagan ko ang numero nya at pinapadalhan ko ng mensahe ang Facebook nya pero para lang akong nag update sa patay.
Kung sakali mang naikasal na si Isabela sa iba o baka may mga anak na sila ng asawa nya, kung ganyan man, did she even fight for me? Naghanap din ba sya ng paraan para mag protesta sa kagustohan ng magulang nya? Alam kong mahal nya ako. Ang daming pumapasok sa utak ko, iba-ibang spekulasyon na maaring katotohanan, maari ring hindi.
"Ano na kayang nangyari sa kanya?" Napatanong ako kay Inres habang tumatambay kami sa ranchohan nila.
"Sabi ni Thalia, miss na miss nya na rin daw si Isabela. Kung totoo mang ikinasal sya sa iba, time na siguro na umusad na dahil baka may anak na sila, pare." Sagot nya habang inakbayan ako.
"May iuusad pa kaya ako nito?" Tanong ko habang napabuntong hininga.
"Dalawang taon na nakalipas, mahal mo pa din kahit alam mong kasal na sa iba?"
Nanikip ang dibdib ko sa tanong nya. Kaya duda talaga ako sa anak ni Mr. Oliver noong una kaming nagkakilala sa covered court na ginagawa kong proyekto. Sabi kasi ng mga tao sa kanya ikinasal si Isabela, pumunta silang ibang bansa ng walang nakakaalam.
Alam kong hindi ito ginusto ni Isabela. Hindi ako galit sa kanya. Siguro labag sa kalooban ko kapag nagkaanak sila, dahil ibig sabihin nyan nahulog na ang loob nya sa lalakeng 'yon.
"Oo naman, wala syang katumbas, Inres. Dalawang taon pa ang nakalipas, sariwa pa sa akin ang lahat. Parang kahapon lang ang pangyayaring binigyan ko sya ng singsing dahil pakakasalan ko sya. Mahirap syang kalimutan."
"Mahirap syang kalimutan kasi hindi ka naman nag try na kalimutan sya."
Natahimik ako sa sinabi nya. Inside the 2 years, it was such mixed emotions. Ni hindi ko man lang naisip na kalimutan sya. I wanted to endure the pain kung hanggang saan ang kaya ko. Besides, I promised to her that sya lang ang mamahalin ko.