37

6 0 0
                                    

Art

Alumni

Hinatid ko sya sa dorm ng pinag-aarian namin ni Adi. Si Adi nagsimula sa real estate na business, marami na kasi syang business kaya sa akin nya na binigay ang itong inns and dormitory dito sa Marci Alli. Pumasok na si Isabela sa loob ng dorm at lumabas ako para bumili ng balot. Iti-take out ko lang 'to.

"Art? Tinitignan mo ang dorm?" Nagulat ako nang biglang pumwesto sa tabi ko si Manang Lily. Sya ang land lady ng dorms ko dito sa Marci Alli.

"Ay hindi, Manang! Bumili lang ako ng balot." Sagot ko habang nagbabayad na.

"Ah, ganun ba? Akala ko para tignan ang dorm. May nag renta dyan na mga doktor sa Maynila galing." She informed me.

"Hmm. Nang? Huwag nyo na po pagbayarin 'yan sila, nang. Kahit kailan nila gustong pumirme dyan, huwag nyo na singilin. Sabihin nyo rin po sakin anong kulang sa dorm at idadagdag ko."

Nagulat sya sa sinabi ko at pinaypayan ang sarili nya. "Talaga? Aba bakit, hijo?"

"Crush ko ang isa sa kanila, Nang!" Pabiro kong sagot kaya natawa ito.

"Aba? Sino sa kanila? Isa lang naman ata maganda dyan sa kanila, hijo. Iyong si Doktora Isabela."

"Grabe ka naman sa isa lang maganda, Nang! Sige na alis na ako, Nang. May hinahanap pa kasi ako sa bahay, e!" I replied with humor.

"Oh, sige mag ingat ka!" Sagot nito.

Nang makauwi sa bahay, nag text agad si Inres sa akin kaya binasa ko ito kaagad.

From Inres:

pre, sa bag ni Ibra may pouch na itim dito. sayo ata 'to kasi may mga importanteng bagay, e!

Nasa balcony ako ngayon at biglang gumaan ang puso ko. Hay naku! Nalagay ko pala sa bag ni Ibra. Buti nalang at nakita ko ito kaagad dahil luluwas na ako ng Maynila para bukas. Pinapunta ko si Inres sa bahay para ipahatid ito, hindi naman nag reklamo. Go 'yon always. Sinabihan ko na huwag isama si Ibra kasi ginagawa nya akong babysitter, e! Hindi naman ako nagrereklamo pero sumusobra na ang lalakeng 'yon. Ginawa akong yayo ng anak nya.

Hinanda ko na ang mga balot na binili ko para i-share ko na din sa kanya. Kumuha lang ako ng upoan para dito kami sa terrace kumain. Ilang minuto lang ay nakarating na sya dumaan sa may likoran. Naglakad lang pala sya, malapit lang din naman ang bahay namin sa kanila.

"Tumatanda ka na talaga!" Panimula nya nang maka akyat sa terrace.

"Tang ina mo, 'yan lang inuwi ko dito!" I spoke laughingly.

Umupo sya sa upoan at umaliwalas ang mata nyang nakita ang hinanda kong pagkain habang ako naman ay nagbabalat na ng balot. May suka akong maanghang kaya hindi na ako nanghingi sa nagbebenta.

"Oh! Yan kasi pariwara!" Inilagay nya ang itim na pouch sa wooden table. Kumuha na din sya ng balot.

Hinigop ko ang sabaw ng balot matapos mabuksan ang ibabaw na shell bago makapagsalita. "Galing dito si Isabela, she confessed everything to me. Grabe pala nangyari sa buhay nya. Talagang hind ko mapapatawad 'yong pamilyang Florentino. Hahanapan ko 'yan sila at iisa-isahin!"

"Yan nga rin sabi ni Thalia sakin talagang napaka kawawa talaga ni Isabela. Kung hindi sana malaki ang ulo ng dad nya, hindi sana humantong sa ganun."

"Pare, sino namang magpapautang kasi tapos singilin agad?" Tanong ko habang naglalagay na ng suka sa balot.

"Kaya nga pero his actions are still not justifiable. Just look at the repercussions, pare. It's so negative. Nadamay pa ang mahal mo, naghiwalay pa kayo, nasaktan ka pa. Maraming tao ang nasaktan."

Home Is FarawayWhere stories live. Discover now