Art
Home Is Faraway
The sea was cold, I could feel it through my back. The water could almost get into my ears and nose, but I was too tired to wake up.
"Lola, si Kuya Art! Tulong!" I heard someone screamed, pero hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa pagod. Ang alam ko'y lumulutang ako sa dagat sa malamig na gabi.
Ilang minuto pa'y naramdaman kong pinagtulongan ako ng mga kapatid ko at mga pinsan para hilahin ako habang naririnig ko si Lola Amelia na umiiyak. Wala akong makita kahit pilit kong idinilat ang aking mga mata, pagod ito gaya ng naramdaman ko.
"Diyos ko, Art Hervin! Ano na bang nangyayari sayo? Bakit mo ba ginawa 'yan?" Sigaw ni Lola.
"Tang ina kasi nyang babaeng 'yan!" Hindi ko alam sino ang nagsalita nito sa mga kapatid ko para maibuka ang bibig ko.
"Huwag mong... murahin... si Isabela!" Pagod akong nagsalita hanggang sa naramdaman kong ibinagsak nila ang katawan ko sa dalampasigan.
"Diyos ko, tulongan nyo po ang apo ko!"
Naririnig ko lang sila, pero wala akong kakayahang gumising o tumayo sa sarili kong mga paa. Nakakapagod. Hindi ko alam paano ako nadala sa bahay, paniguradong dahil ito sa mga kapatid ko. Nagising ako sa sarili kong kwarto na bihis na, masakit pa rin ang ulo ko ngayon.
"Hervin, hindi ko nagustohan ang ginawa mo kagabi. Lumutang ka na sa dagat dahil sa kalasingan. Hindi na ito nakakabuti sayo!" Salubong ni Lola sa akin nang maupo ako sa upoan sa dining.
Nakatitig lang ako sa pagkaing inihanda. "Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa Isabelang 'yan! Tignan mo sarili mo, ikaw pa ba 'yan? Babae lang 'yan, huwag mong gawing mundo!" Nagsalita si Adi.
"Art, huwag na please. Kung ano man ang nangyari kay Isabela ngayon, kalimutan mo na sya. Magpapakita naman 'yon kung gusto nya!" Dagdag ni Lola.
Bigla nalang bumuhos ang mga luha ko ngayon. "Hindi nyo kasi alam gaano kasakit! La, pagod na pagod na ako. Hindi ko kayang wala sya. At ikaw Adi? Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nagmahal!"
Natahimik silang dalawa ni Lola ngayon. Wala na akong nagawa sa buhay ko nang nawala si Isabela kundi ang sirain ito. Hindi ako ma perme sa bahay, palagi akong wala. Bumalik ako sa pagmo-motor, pag iinom mula umaga hanggang gabi, sobrang sira na ng buhay ko. Nawalan na ako ng pag-asa sa sarili. Hindi na ako nakakausap ng matino dahil puro nalang si Isabela ang sa isip ko.
The moment she left, I lost home. I felt like I was once sheltered, but a storm came so I was homeless.
Hindi ko alam saan ako pupunta, para bang wala akong mapupuntahan kahit meron naman. Hindi ko alam ang gusto ko, wala na akong ibang nagawa kundi ang sirain ng todo ang buhay ko embes na ayusin ito.
December 24, I won't forget that date. That date killed me. Muntik na akong mamatay sa kalasingan habang palutang-lutang sa dagat. Dahil sa sakit ng naramdaman ko pagka basa sa sulat na ipinadala nya, parang ayoko nang magising kahit kailan dahil alam ko namang para akong namatay sa sakit. Simula nang mga araw na 'yon, kahit hindi ko kaya, pinilit ko ang sarili kong umusad na ng paunti-unti.
"Ano ba? Hindi ka nalang magtatrabaho? Dito ka nalang? Sayang ang pinag-aralan mo at lisensya mo kung mangingisda ka lang!" Sigaw ni Adi sa akin matapos akong makitang nagsasalin ng isda sa balde.
Tumayo ako at hinarap sya. "Anong masama sa pangingisda?" Tanong ko sa kanya.
"Wala! Pero sayang ang pagka Inhinyero mo kung magluluksa ka lang dyan. At iyong trabaho mo doon? Alam mo ba paano ako napahiya? Iniwan mo 'yon dahil sa babae! Nagsisimula ka pa lang pero sumuko ka na!"