Kabanata 22

139 13 1
                                    

"Nathalia..ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Nakailang beses pa akong lumunok bago tuluyang magsalita. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses saka nag-iwas ng tingin nagbabakasakaling makakuha ng lakas ng loob para magsalita. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya dahil sa nangyari, makapal mukha ko pero biglang umatras ang kapal nito dahil kay Luis sa hindi o malamang dahilan.

"L-Luis" bahagya pa akong pumiyok dahil feeling ko nag-dry ng todo ang lalamunan ko..I need lotsss of wohter kasi grabe daig ko pa nag-karaoke ng ilang oras. Tumikhim ako ng ilang beses pa saka ako muling nag-iwas ng tingin kasi my gosh! Nahihiya talaga ako!

Dali dali akong lumabas mula sa ilalim ng lamesa at ganon din siya. Umatras pa ako papalayo sa kanya dahil feeling ko biglang nag-init ang aking mga pisngi. Napaiwas ako ng tingin sa idea na hindi na si MacMac ang kayakap ko kundi si Luis! Bakit naman bigla siyang lumabas?!

Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagti-trigger sa kanila para lumabas. Noong una ay kay Lucas tapos naging si MacMac tapos ngayon naging si Luis?!. Ang labo!

Bakas sa mukha niya ang labis na pagtatakha marahil nagtatakha siya bakit madungis siya.. or bakit nasa ilalim siya ng lamesa or baka nagtatakha din siya bakit nakauwi din siya agad. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko!

Paano ko siya masasagot kung sakaling tanungin niya ako? Sasabihin ko bang si MacMac ang may gawa non sa damit niya? Pero magtatakha siya kung sino si MacMac edi malalaman niya ang case niya if ever.

Nakatingin pa rin siya sa akin..hindi ko nakita pero ramdam ko ang intensidad ng tingin niya sa akin like omeged! Kung makatingin siya para bang ready to eat na siya and ako yung food niya like rawr!

Malandi!

Agad akong napailing iling para iwaksi sa isipan ko ang kung anumang kahalayan na pumapasok sa isipan ko. Agad kong naalala kung paanong kumain ng maraming kamote si MacMac. Ang nakakaloka lang ay ginawa niyang pamunas ng kamay ang uniporme ni Luis kaya ayon, marungis siya ngayon. Hindi ko lubos maisip na sa laking katawan ni Luis ay may isang batang nakakubli.

"Nathalia" biglang sabi niya sa kalagitnaan ng pagf-flashback ko

"Ay kamote!" sigaw ko dahilan para manlaki amg mata naming dalawa. Agad akong napatakip sa bibig ko saka ko bahagyang sinampal sampal ang sarili ko "Bakit ka ba kasi nanggugulat?!" Kunwaring inis na sabi ko pero ang katotohanan ay kinakabahan ako kasi baka mag-usisa siya bigla huhuhu

"Hindi kita ginugulat..tinatawag lamang kita" seryosong saad niya dahilan para matahimik ako saka ako dahan dahang napatungo..nahiya bigla dahil sa naging asta ko.

Oo nga naman pangalan ko lang sinabi niya wala naman siyang sinabing "Bulagaaaa" para magulat ako. Kailan pa ako naging OA?! hindi na maganda ito ha nakakaloka na!

"A-ah pasensya ka na ano hmm basta..bakit mo pala ako tinatawag?" pag-iiba ko ng usapan ayoko naman akuin na my false (fault 'yan syempre pero dun tayo sa false)

"Nais ko lamang malaman kung bakit tayong dalawa lamang ang narito sa aking oficina?" parang hirap pa siyang magbigkas ng mga salita kaya patago akong napangiti..well, 'di niya naman mapapansin ang pagngiti ko since nakatalikod ako sa kanya.

Pinili ko na agad na talikuran siya dahil  ayokong makita niya ang mga pasang dulot ng napakagaling na alter niya. My gosh ha! Sana huwag na siya lumitaw. Baka mamaya maging deds na agad ako dahil sa kanya. Sa liit kong ito ihahagis hagis niya lang ako? Grabe ba

"Ha?" tila ba nabingi din ako dahil sa tanong niya. Well, may tao naman sa likod ng pintuan ng mini-office ni Luis, hindi lang niya pinapapasok kasi may meeting daw kami. Hindi ko na rin hinayaan na may pumasok na kahit na sino sa kanila habang si Luis ay nasa katauhan ni MacMac..hindi pwede. Baka mamaya gamitin pa nila ito laban sa kanya..hindi ako papayag.

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now