Chapter 26

211 3 0
                                    

Chapter 26 💍

Kyianna’s POV

The next day was as chaotic as expected. Midterms were fast approaching, and everyone in our group was rushing to catch up with our studies and other responsibilities. Pero kahit sobrang dami ng kailangan gawin, may isang bagay na hindi ko maiwasang isipin.

Si Luhence.

Apat na araw na simula nung huli ko siyang nakita, and it felt weird. Dapat sanay na ako sa mga ganitong absence niya, considering na ganun talaga siya laging abala.

Pero, yung katahimikan sa pagitan namin, parang may kulang. Every time I checked my phone, I was half-expecting na may text or call mula sa kanya, pero wala.

Pinilit ko na lang itulak sa likod ng isip ko ‘yung mga thoughts na ‘yun, reminding myself na I need to focus sa kung anong nangyayari sa harap ko.

Si Cyrielle at Kieran, andiyan na sa aisle ng Mr. DIY store, malalim na sa pag-check ng mga supplies na kailangan namin.

Habang ako naman, puro pag-iisip lang, akala ko wala nang pakialam, pero alam ko naman na distracted ako.

I was picking up random things to throw in my cart, pero none of them made sense for our project. Pero, hindi ko care. I was just thinking about him.

"Kyi, focus naman!" Boses ni Cyrielle, sabay batok sa akin.

Natawa lang ako, then I quickly put the glittery pen back in its place.

"Creative expression lang," I said, trying to play it off, pero si Cyrielle, tumaas ang isang kilay, pero hindi siya nag-comment. Bumalik siya sa listahan niya.

Nag-sigh ako, and pushed my cart forward. Pero sa isang sulok ng store, may nakita akong isang bagay na nakatigil sa isip ko.

Isang maliit na keychain na sisiw.

Humi-stop ako. It was cute, but also childish, pero hindi ko mapigilan isipin si Luhence.

Sisiw, ang tawag niya sa akin. Tinutukso ako ni Luhence ng ganun, at weird, pero I found myself getting used to it. Parang gusto ko na lang rin siyang tawaging ‘yun minsan.

Tiningnan ko yung keychain, at parang may koneksyon pa sa kanya. Naisip ko, bakit nga ba ako nag-miss sa kanya? Nasa harap ko lang si Cyrielle, and yet, ang lakas ng pull nung thought na yun.

Inabot ko yung keychain, tapos bigla na lang may nakita akong isa pang keychain isang hen naman. I stopped for a moment, my fingers gently turning it over.

"Hens," I muttered, almost to myself, before I could stop.

I couldn’t help it. I remembered the first time I called him that. Ang weird lang kasi, when I was still fighting the idea na tawagin siya ng ganun, now, it felt right. It was his nickname, my nickname for him.

Pero bakit ko nga ba siya namimiss? Hindi ko naman siya kailangan. Dapat kaya ko mag-isa, di ba?

"Hens," I muttered again, holding it for a second too long. Parang gusto ko lang ipadama sa sarili ko na siya pa rin yung naaalala ko.

Biglang boses ni Cyrielle.

"Hoy, bakit ka natatawa mag-isa?"

I quickly hid both keychains behind some notebooks in my cart.

"Wala, ang dami mong tanong," I said, trying to sound casual, kahit sa totoo lang, my cheeks were starting to warm up from the thought of Luhence.

"Sure ka? Kasi mukhang hinihintay mo yung fiancé mong hindi nagpaparamdam ng ilang araw," she teased, may konting sarcasm sa boses.

"Cy, pwede bang hindi siya pag-usapan?" I said, trying to brush it off. Hindi ko na kayang mag-focus kung lagi siyang isusubject sa usapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 15 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon