Chapter 2

446 8 0
                                    

Training room

Kinabukasan lang din ay nalaman na nang publiko ang nangyari sa presidente.Nasa hospital na ngayon Ang president at ang mga tauhan Niya ay naka kulong na maliban sa ibang walang ideya sa nangyari.

Pinilit niyang mag labas nang statement kahit na nasa hospital siya para lang maliwanagan Ang lahat.

"Grabe naman ang nangyari."

Bulong ni mama habang nag lalagay nang pag kain sa ref.

Tumayo ako mula sa pag kaka upo ko at saka isinuot Ang itim Kong coat.

"Tinraydor sya nang mga tauhan Niya"

Sabi ko.

Nilingon ako ni mama bago nginitian at nilapitan.

"Nakaka proud naman,niligtas mo ang presidente anak"

Natigilan ako at napa titig din sa kaniya.

Isa sya sa dahilan kung bakit lagi Kong ginagawa nang ayos Ang kailangan Kong gawin.I want her to be always proud of me,I want them to be proud of me.

Ngumiti ako.

"Pero wag mong kakalimutan na laging mag ingat,delikado ang trabaho mo.Baka mamaya may mag tanim nang galit sayo at mapahamak ka"

Tumango ako.

"Opo"

Hinaplos Niya Ang buhok ko bago Niya ako talikuran para bumalik sa kaniyang ginagawa.

Nanatili akong naka tayo at naka tingin sa kawalan sa loob nang limang segundo bago pa ako nag paalam sa kaniya para umalis.

"Ate"

Lumingon ako sa may hagdan.

"Aalis kana?"

Tanong nang bunso Kong kapatid.

Tumango ako at hinintay siyang maka baba.

"Pasama,wala akong klase ngayon at saka bored ako dito sa bahay"

Naka ngusong Sabi nito habang inaayos Ang kaniyang magulong buhok.

Umiling ako at kumuha nang pera sa wallet ko bago ito ini abot sa kaniya.

"Isama mo si mama at papa sa mall,mag shopping kayo-"

"Para naman akong bata nun.Sayo nalang ako sasama-"

"May trabaho ako Heaven."

Sumimangot siya habang mabagal na kinuha mula sa akin Ang pera.

Tinapik ko Ang balikat nito.

"Si Astrid nalang ang isama mo o kaya ay si Grayson"

Tinalikuran ko na ito at tuluyan ko nang nilisan Ang bahay.

Kaagad akong sinalubong ni Cyber pagka dating ko sa main arena nang risen organization.

"Cyber babe!"

Nag tago siya sa likuran ko.

"Get lost Knite!"

Sigaw nito.

Huminto ako sa pag lalakad at pinag masdan lamang Ang dalawa ba mag habulan paikot sa akin.

"Anong ginagawa nyo?"

Tanong ko sa kanila Pero patuloy lang si Knite sa pag habol Kay Cyber habang si Cyber naman ay Panay Ang iwas dito.

Umiling iling ako at saka sila iniwan para dumiretso na sa office.

Pag ka bukas ko palang nang pinto ay usok nang sigarilyo na ang bumungad sa akin.

Nangunot Ang noo ko at nakita si Devon na naka upo sa lamesa ko habang hinihithit ang sigarilyo.Mag ka Patong Ang dalawang hita nito at naka halukipkip Ang Isang braso.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now